Ogie Alcasid reveals wife Regine and daughter Leila cried over "PA" issue

IMAGE Instagram

Ogie Alcasid to netizens: "I think, tayo, we should also be considerate. Kung meron siguro tayong sasabihin sa social media, yung magaganda na lang, kasi marami nang hatred sa mundo. Magmahalan tayo."


Inamin ni Ogie Alcasid na iniyakan ng kanyang anak na si Leila Alcasid at misis na si Regine Velasquez ang isyu kaugnay ng pagtawag na "PA" o personal assistant ni Leila kay Regine.

Si Leila ay ang panganay na anak ni Ogie sa dati niyang asawa na si Michelle Van Eimeren.

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Leila at naninirahan sa bahay ng kanyang ama at stepmother.

Nitong Pebrero ay nagbiro si Leila sa kanyang Instagram post na “PA” o personal assistant niya for that day si Regine.

May ilang fans si Regine na nagalit kay Leila dahil sa itinawag nitp sa Asia's Songbird.

Agad namang nagpaliwanag si Regine na sa kanya mismo nanggaling ang birong "PA" siya ni Leila.


Stories We Are Tracking

Regine Velasquez defends Leila from bashers over
Regine Velasquez defends Leila from bashers over "PA" post
Ogie, Michelle rally behind Regine amidst
Ogie, Michelle rally behind Regine amidst "PA" issue

Pahayag naman ni Ogie sa guest appearance nila ni Leila sa Magandang Buhay ng ABS-CBN ngayong Lunes, March 6, “Sila naman, may biruan sila.

"Alam mo naman yung asawa ko, napaka-down-to-earth nun, di ba?

“So, sasabihan niya [Regine], ‘I’m her PA for today.’

"I guess merong mga fans niya na di ko alam kung ganun ba talaga? Parang nasaktan nung nag-post siya [Leila] na, ‘She’s my PA for today.’

"But she really meant that in a very affectionate way. Yun ang lambigan nila.

“Nung nakita ko na umiiyak na ‘to [Leila], 'tas umiiyak na rin yung asawa ko dahil nasaktan siya...

"Yun ang katotohanan, but I guess ganun talaga."

Paalala pa ng singer-composer, “I think, tayo, we should also be considerate.

“Kung meron siguro tayong sasabihin sa social media, yung magaganda na lang, kasi marami nang hatred sa mundo. Magmahalan tayo.”  

LEILA'S TWEET. Binuweltahan din ni Leila, sa pamamagitan ng Twitter, ang kanyang mga kritiko dahil sa "mean opinions" ng mga ito.

Tweet ng 19-anyos ng Filipino-Australian kahapon, March 5: “IF YOU HAVE NOTHING NICE TO SAY THEN DON'T SPEAK AT ALL!!!! ur mean opinions are welcome to stay inside ur head god bless.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN