Gerald Anderson trains double-time for LA Marathon

IMAGE Nerisa Almo

Gerald Anderson on upcoming Los Angeles Marathon: "Kinakabahan na ako, but I'm excited."


Parehong excitement at kaba ang nararamdaman ni Gerald Anderson para sa unang full marathon na sasalihan niya sa Los Angeles, California, sa March 19.

Sa katunayan, todo na raw ang training ngayon ng Kapamilya actor kahit busy siya sa kanyang showbiz schedule.

“Puwede pa. Puwede pa sana na ano...” natatawang sabi ni Gerald nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN reporters ang paghahanda niya para sa 2017 Skechers Performance Los Angeles Marathon.

Aminado siyang hindi madaling pagsabayin ang pagiging actor-athlete niya.

Sabi ni Gerald, “Siyempre, actor-athlete ako. Actor comes first.

“Yung schedule ng isang actor, ng isang artista, medyo mahirap.

“But, you know, kapag gusto mo talaga, may paraan.”

Hangga't may pagkakataon, isinisingit ni Gerald ang training para sa panibagong challenge na kanyang haharapin.

Katulad na lamang ng 5k-fun run na inorganisa ng Star Magic at Skechers bilang send-off event/pre-birthday celebration para kay Gerald sa West McKinley, Bonifacio Global City, Taguig, kahapon, March 5.

Sabi ni Gerald, “Minsan, kapag may taping mismo, during breaks.

“Kapag free day, doon yung pukpukan talaga ng training day.

“But recently, four days taping straight kami, segue-segue. Hindi ako nakasingit ng training.

“Itong 5k, kasama sa training ko.”

Kasalukuyang ginagawa ni Gerald and reunion project nila ni Kim Chiu para sa ABS-CBN, ang Ikaw Lang ang Iibigin.

Magsasama rin ang dalawang Pinoy Big Brother alumni sa upcoming episode ng Maalaala Mo Kaya.

Dagdag pa ng Kapamilya actor, “Kailangan ko ng training pa because two weeks na lang, kinakabahan na ako, but I'm excited.

“Yung Skechers, sobrang nagpapasalamat ako for trusting me na kaya kong tapusin ang 42k.

“Mas mataas yung confidence nila kaysa sa akin.

“But, of course, ibabalik ko sa kanila yung confidence na binalik nila sa akin.”

@andersongeraldjr and @dyancastillejo at #siGEtakbo earlier.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

IS BEA GOING WITH HIM TO L.A.? Samantala, tinanong din ng PEP kung anong klaseng suporta ang natatanggap niya mula sa rumored girlfriend niyang si Bea Alonzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiti lamang si Gerald at matipid na sumagot.

Aniya, “Just support. Yun naman ang pinaka-importante diyan, e, just being supportive.”

Tila hindi sigurado si Gerald kung makakasama niya si Bea sa Los Angeles.

Paliwanag niya, “E, again, si Bea is napaka-busy rin.

“Mahirap yun and medyo matagal ako doon. Magte-training din ako doon bago lumaban.”

Kasalukuyang bahagi si Bea ng primetime soap na A Love To Last.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN