Sinon "Rogelia" Loresca reveals he is married to a British guy

IMAGE Noel Orsal

Sinon Loresca reveals that he is married to a British guy, whom he met online. 


Isiniwalat ni Sinon "Rogelia" Loresca na kasal siya sa isang British guy.

“Kasal po kami ng asawa ko doon sa London, legal po kami,” pagbubunyag ng Internet sensation tungkol sa British husband niyang nagngangalang Richard.

Na-feature ang buhay ni Sinon sa GMA-7 weekend drama anthology na Magpakailanman nitong Sabado, March 4.

Sa panayam sa kanya ng host ng programa na si Mel Tiangco ay sinabi ni Sinon na nagkakilala sila ni Richard via online.

Nagkita raw silang muli nang bumisita sa Pilipinas si Richard nitong December 2016.

“Nagbakasyon lang po siya nung December. Kaaalis lang niya ng [end of] January.

“So, binibisita naman niya ako kasi sinuportahan niya talaga ako,” sabi ng komedyante na tubong-Masbate.

Bago bumalik sa Pilipinas noong 2016, nagtrabaho si Sinon sa isang retail store sa London.

Nagplano raw siya ng two-week vacation sa Pilipinas, mula April 8-22, at todo-suporta naman ang kanyang asawa.

“Sabi ko, ‘Beb, I’m going to the Philippines.’ British po siya.”

Biro pa ni Sinon, “Minsan dumudugo yung ilong ko pag i-English siya, kasi minsan sumesemplang talaga. Ang lalim ng English.

"Minsan, ‘Ha? I’m sorry. Pardon me.’ Binabagalan na lang po niya, so happy naman ako.

"So, naiintindihan ko. Hanggang sa tumagal na po kami.

“So, alam ko na kung ano ang ibubuga ng bibig niya.”

Ito rin ang panahon nang magsadya siya sa Eat Bulaga!, na nauna nang nakipag-ugnayan sa kanya noong nasa London pa siya, upang isali siya sa isang segment ng noontime show.

April 12, 2016 daw nang personal siyang magsadya sa studio ng Eat Bulaga.

Dito niya nakausap at nakaharap ang staff members at hosts ng show, kagaya ni Vic Sotto, at doon na nagsimula ang lahat.

Kilala rin si Sinon bilang "King of Catwalk" dahil sa madalas niyang pag-upload ng videos sa social media habang rumarampa. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN