Vina Morales reveals dismissal of two libel complaints filed by Cedric Lee against her

IMAGE Noel Orsal

Is Vina Morales open to settle with ex-partner Cedric Lee? The singer-actress says, "Ako naman, bilang nanay at bilang tao, marunong naman akong mapag-usapan yung ganyan, basta huwag na lang ulitin yung nangyari. Marunong naman akong magpatawad, e."


Masayang ibinalita ni Vina Morales ang pagkaka-dismiss ng dalwang libel complaints na isinampa laban sa kanya ng dating karelasyon na si Cedric Lee.

Matapos ang presscon proper para sa bagong album ng Kapamilya singer-actress na Vina: XXX nitong Lunes, March 6, hiningan ng entertainment reporters ng update si Vina tungkol sa legal battle nila ni Cedric.

Nakangiting saad niya, “We've received good results already.

“Thankful kami ni Atty. Lucille Sering na nasa panig namin ang mga complaints.

“A few of them are dismissed already.”

Dagdag pa niya, “Hindi ko na sana ibabalita, pero natanong niyo naman.

“It's already dismissed, yung sa Nueva Ecija, Parañaque.

"Soon siguro, hopefully and praying... Pare-pareho naman ang na-file nilang complaint against me.”

Unang nagsampa ng reklamong libel si Cedric laban kay Vina sa Nueva Ecija noong 2016 dahil sa alegasyon ng Kapamilya star na pambu-bully umano ng dating boyfriend.

Nagsimula ang kontrobersiyang ito nang umano'y puwersahang pagtangay noon ni Cedric sa anak nila ni Vina habang wala ang singer-actress sa bansa.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng kampo ni Vina ang magiging desisyon ng korte sa iba pang reklamong libel na inihain ni Cedric laban sa singer-actress.

“After that Nueva Ecija, sumunod na yung Paranaque, Caloocan, Pasig, Mandaluyong... inikot po namin.

“Pero nagpapasalamat po ako kasi nasa panig namin yung mga resulta.”

Read: Cedric Lee to file another libel complaint against Vina Morales in Pasig

IS VINA READY TO FORGIVE? Sa kabilang banda, tikom naman ang bibig ni Vina tungkol sa reklamong inihain niya laban kay Cedric.

Katuwiran niya, “I'd rather not talk about it muna kasi very sensitive yun, kasama doon ang anak ko.”

Sa mga pahayag ni Vina, tila may pahiwatig na bukas siya sa pakikipag-usap tungkol sa mga isyung hinarap niya noong nakaraang taon.

Aniya, “Minsan sa mga nangyayari sa ating buhay, minsan maganda yung pinagsasamahan mo, minsan naman nagkakaroon ng problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan din naman, naaayos din.

“Ako naman, bilang nanay at bilang tao, marunong naman akong mapag-usapan yung ganyan, basta huwag na lang ulitin yung nangyari.

“Marunong naman akong magpatawad, e.

“Ganun naman ang buhay ng tao para mas magaan ang nangyayari sa buhay.”

Vina Morales: "Silence is the best revenge."

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN