Vina Morales on dealing with controversies: "Silence is the best revenge."

IMAGE Noel Orsal

Vina Morales on dealing with controversies: "I always go through the proper way. Hindi man ako nagsalita against other people, I made sure I do it in the proper way, through the law, so I filed cases."


Pagkatapos pag-usapan ang tungkol sa mga reklamo nila sa isa't isa ni Cedric Lee, nakiusap si Vina Morales na huwag nang pag-usapan ang isa pang kontrobersiyang kinasangkutan niya noong 2016, kung saan napulaan siya sa kanyang umano'y hindi kagandahang pag-uugali.

Hiniling din niya sa entertainment press na huwag nang magbanggit ng ibang pangalan.

Balik-tanong ni Vina: "Ito na lang, in thirty years in show business, may narinig po ba kayo na nagwawala ako?

"May sinampal ako, masama akong tao?

"Never. Wala po akong ganyan.

"Tahimik lang po ako, kung puwede akong tahimik lang, hindi pag-usapan.

"There are people, there are things in this business, in thirty years, I've gone through a lot.

"Minsan nga, hindi na lang ako nagsasalita sa mga controversies."

Patuloy niya, "A lot of things are concocted by other people just to get attention.

"They want to use you para lang mapag-usapan sila.

"Ako naman, I always believe in the truth... kilala niyo naman ako.

"For thirty years, hindi ko ugali yung ganun at saka, tama na, ayaw ko na pong magamit."

Sabi pa ni Vina, "One thing I've learned is to always believe and to prove to people na hindi ka naman ganung klaseng babae.

"At yung pagkatao mo, yun din naman ang makikita ng mga tao, I guess the respect and being a fighter...

"Hindi naman kailangan na sumagot sa lahat ng intrigang lumalabas tungkol sa akin o mga gawa-gawang istorya against me.”

Diin pa niya, sa halip na isa-isang sagutin ang mga kontrobersiyang ipinupukol sa kanya, mas maiging tumahimik na lamang.

“Ang sa akin kasi, I always believe na silence is the best revenge.

"I always go through the proper way.

"Katulad ng mga nangyari sa akin last year, hindi man ako nagsalita against other people, I made sure I do it in the proper way, through the law, so I filed cases.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naniniwala ako, being a strong woman is to always keep your head up.

"Basta wala kang inaapakan na tao at ang sinasabi mo ay totoo lamang.

“Doon ka lalong rerespetuhin ng mga tao bilang babae.”

Sa kabila ng lahat ng ito, sabi ni Vina, malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nagpapakita ng suporta sa kanya.

“I always believe na lahat naman ng problema malalagpasan mo 'yan basta you don't give up on those situations and you have to fight,” pahayag ni Vina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN