Patrick Garcia's wife suffers miscarriage

by Nerisa Almo
Mar 7, 2017
Patrick Garcia and wife Nikka Garcia lose their third baby after she had a miscarriage.

Ikinalungkot ng mga kaibigan at followers ng mag-asawang Patrick Garcia at Nikka Martinez ang balitang nalaglag ang ipinagbubuntis ng misis ng aktor.

Una ay nag-alala ang mga nakakita ng malungkot na larawang ibinahagi ni Nikka sa Instagram kahapon, March 6, kunsaan mahigpit siyang kayakap ng Langit Lupa actor.

Ang tanging caption lamang nito ay “ILYSB,” na acronym para sa “I love you so bad.”

ILYSB

A post shared by Nikka Martinez Garcia ? (@nikkamgarcia) on

Sa comment section ay malungkot na ibinahagi ni Nikka na nagkaroon siya miscarriage sa dapat sana'y ikatlong anak nila ni Patrick.


Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram account, ipinakita naman ni Patrick ang suportang ibinibigay niya sa asawa sa gitna ng pagsubok na pinagdaraanan nila ngayon.

Ang simpleng mensahe ni Patrick: “Everything is gonna be ok..”

Everything is gonna be ok..

A post shared by Patrick Garcia (@onlypatrickgarcia) on

Sa comment ay sinagot din ni Nikka ang ilang nagtanong kung ano ang nangyari sa kanya.


May dalawa nang anak sina Patrick at Nikka; sina Chelsea at Patrice.

Continue reading below ↓

Mayroon ding anak ang Kapamilya actor sa dati niyang girlfriend na si Jennylyn Mercado, si Alex Jazz.

Read Next
Read More Stories About
Patrick Garcia, Nikka Garcia
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patrick Garcia and wife Nikka Garcia lose their third baby after she had a miscarriage.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results