RS Francisco reveals Gretchen Barretto's pearl necklace is worth an expensive condo

IMAGE Mark Atienza / Gretchen Barretto Instagram

RS Francisco on conversation with BFF Gretchen Barretto about her pearl necklace: "Parati kong sinasabi sa kanya, 'Girl, isang condominium na 'yan na maganda.' Alam mo ang sagot niya? 'Masusuot ko ba ang condominium? E, di nadaganan ako!'"


Bukod sa pagiging aktor ay isa ring entrepreneur si RS Francisco.

Siya ang may-ari ng isa sa pinakamalaking networking company sa Pilipinas, ang FrontRow.

Bilang pinakamatalik na kaibigan ni Gretchen Barretto, hindi ba hinihikayat ni RS ang aktres na makisosyo sa kanyang negosyo?

“Hindi na niya kailangang kumita ng malaki,” mabilis niyang sagot.

“I'll be honest with you, dito sa amin, people earn P100,000 a week.

“Puwede ko bang sabihin kay Gretchen na, ‘Girl, puwede kang kumita ng P100,000 a week.’

“Anong sasabihin niya? ‘Butones lang 'yan ng bag ko.’

“E, yung pearl necklace niya, magkano?”

Nagbigay kami ng presyo na isang milyon. Pero baryang-barya lang daw ang hula namin sa totoong presyo ng mga pearl necklace ni Gretchen, na ayaw niyang ipasulat pa.

Kuwento pa ni RS, “Parati kong sinasabi sa kanya, ‘Girl, isang condominium na 'yan na maganda.’

“Alam mo ang sagot niya? ‘Masusuot ko ba ang condominium? E, di nadaganan ako!’

“Sabi ko, ‘May point ka.’

“Walang basagan ng trip.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RS sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikula, ang Bhoy Intsik, entry sa Sinag Maynila Film Festival.

THE FRIENDSHIP. Paano naging solido ang pagkakaibigan nila ni Gretchen?

Ayon kay RS, “E, kasi, pareho kaming kalog.

“Pareho kaming… I don't wanna say she's misunderstood.

“But, you know, I always tell her this and I always write sa Instagram niya, ‘If only the masa or the public could see what I see, could hear what I hear from you, malalaman nila na isa ka lang kalog na babae with all these glamour.’

“But other than that, she's just typical woman.”

Kuwento pa niya, “Alam niyo, ang kaligayahan namin, kumain sa Shakey's. Kumain sa Binondo. 

“Noong birthday ko, Binondo lang kami.”

Bilang matalik na magkaibigan, napag-uusapan din daw nila ang tungkol sa pamilya at mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya ba yung tipong nagbibigay ng payo?

Ayon kay RS, “We talk about it, but I don't give advice. I just listen.

“You know why? Yun ang turo sa akin ng mommy ko.

“Huwag kang makikialam sa usapang pamilya at usapang dyowa.

“Although I listen to her. I listen to all her problems.

“I know all her problems with ganito, with ganyan, I know all of them.”

Bilang kaibigan, ano ang wish niya para kay Gretchen?

Sabi ni RS, “Well, I can't wish her to be at peace because she's at peace.

“I just want her to be understood by people. She's misunderstood.

“I cannot wish her peace because she's already peaceful.

“I cannot wish her happiness because she's already happy.

“I cannot wish her wealth because she's already wealthy.

“I just wish her to be understood.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN