Rep. Vilma Santos-Recto denies awkwardness with Jessy Mendiola: "I don't think may problema kami."

IMAGE Facebook

Lipa City Rep. Vilma Santos-Recto on son Luis Manzano's relationship with Jessy Mendiola: "Ang pinaka-importante lang is nakikita mong masaya sila, masaya ang anak ko, at masaya si Jessy. Iyon ang importante sa akin."


Inamin ni Lipa City Representative Vilma Santos-Recto na madalas bumisita sa bahay nila ang aktres na si Jessy Mendiola.

Si Jessy ang girlfriend ngayon ng anak ng actress-politician na si Luis Manzano.

"Kapag Sunday nagdi-dinner sila dito sa bahay, and that's the time na nagkakaroon kami ng pagkakataon na mag-usap-usap, yung family bonding ba?" kuwento ni Vilma sa panayam sa kanya ng dzMM nitong Miyerkules, March 8.

Dagdag pa ng actress-politician, maganda ang pakikitungo nila ni Jessy sa isa't isa, pero aminado siyang kinikilala pa niyang mabuti ang girlfriend ng anak.

Ito ay sa kabila ng balitang may ilangan daw sa pagitan ng dalawa. 

Sa isang interview, inamin ni Jessy na nai-starstruck siya sa Star For All Seasons.

Pahayag ni Vilma tungkol dito, "I don't think may problema kami.

"Kasi kapag nandito naman siya, at ease naman siya.

"Very casual, relaxed naman siya."

Dagdag pa ng kongresista, masaya ngayon si Luis sa piling ni Jessy.

"Ang pinaka-importante lang is nakikita mong masaya sila, masaya ang anak ko, at masaya si Jessy.

"Iyon ang importante sa akin," paniniyak niya.

July 2016 nang unang mabalita ang pagkikita nina Vilma at Jessy sa Batangas.


Stories We Are Tracking

Vilma Santos meets Jessy Mendiola
Vilma Santos meets Jessy Mendiola

Samantala, kahapon ay isang love quote ang ni-repost ni Jessy sa kanyang Instagram account.

Ang quote ay tungkol sa hiling ng isang taong laging makasama ang kanyang mahal para maging masaya siya kahit magulo ang buhay nito.

Sa comments section, nagtanong si Luis kay Jessy kung para kanino ang quote.

Sagot ni Jessy: “sayo sana.”


Reply muli ni Luis: “it’s a definite yes for me.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN