Will Paul Salas follow loveteam partner Mika dela Cruz in GMA-7?

IMAGE Rose Garcia

Paul Salas on his showbiz career: "Kung ano naman po ang plano ng ABS… baka pinapa-mature pa nila ako. Ako naman po, habang wala pa naman po akong ginagawa… Noon kasi, medyo chubby pa ko. Kaya naman po nag-diet, nag-gym. Kasi ako, pangarap ko na rin sa mature roles na rin."


Ang huling major TV project ni Paul Salas ay ang Kapamilya primetime series na You’re My Home noon pang 2015.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito nasusundan.

Pero ayon sa 18-year-old actor, “Kung ano naman po ang plano ng ABS… baka pinapa-mature pa nila ako.

“Ako naman po, habang wala pa naman po akong ginagawa… 

“Noon kasi, medyo chubby pa ko. Kaya naman po nag-diet, nag-gym.

“Kasi ako, pangarap ko na rin sa mature roles na rin.”

Hindi ba siya naiinip?

“Hindi naman po, naggi-guesting naman po. 

“Minsan kinukuha nila ako kapag may bagay na role sa MMK [Maalaala Mo Kaya]. Sa Magandang Buhay, yung mga guesting po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paul sa presscon ng indie film na Maestra, mula sa Dr. Carl E. Balita Productions, noong nakaraang linggo.

NETWORK TRANSFER. Ang ka-love team niya noon sa You’re My Home na si Mika dela Cruz ay nasa bakuran na ng GMA Network at napapanood sa primetime series na Meant To Be.

Si Paul naman ay nagsimula sa Kapuso network bilang produkto ng artista search na StarStruck Kids, ngunit lumipat sa ABS-CBN noong nagbinata siya.

Sa nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career, hindi ba niya naiisip na sundan si Mika at bumalik sa GMA-7?

Tugon ni Paul, “Hindi naman po, wala naman po.

“Kung meron man, masasabi naman namin na hindi pa naman namin pinag-iisipan pa.

“Pero siyempre, may offer din naman sa akin.”

Pero kakapirma lang daw niya muli ng kontrata sa Star Magic, ang talent arm ng Kapamilya network.

“Pusong ABS pa rin po,” sambit ni Paul.

Nalaman din ng PEP mula kay Paul na muntik na pala siyang maging bahagi ng all-male group na Hashtags, na regular na napapanood sa It’s Showtime.

Aniya, “Yung first audition po, pinapa-audition nga po ako, kaso yun po yung busy ako sa You're My Home na taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sakto na may audition, may taping ako.”

MAESTRA. Sa advocacy film na Maestra, na idinirek ni Lem Lorca, love interest ni Paul ang theater actress na si Anna Luna.

Challenging daw para sa kanya ang ginagampanang karakter dahil ginawa raw siya ritong 20-plus ang edad at na-in love sa kanyang teacher.

Sabi ni Paul, "Yun po talaga ang challenge sa akin, pero okey lang din naman sa akin para maiba na rin ang role ko.

"Nagma-mature na rin naman po ako dahil 18 na ako.

"Gusto ko rin na mature na rin ang roles. Para makita na rin nila na kaya ko rin sa mga mature roles."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN