Mika dela Cruz on falling in love at 18: "Matagal pa po 'yan... Si Ate pa!"

IMAGE Rose Garcia

Bagamat unti-unti na niyang nararamdaman na maging independent ngayong 18 na siya, pakiramdam ni Mika dela Cruz ay hindi pa rin siya papayagan ng kanyang ate na si Angelika dela Cruz na magkaroon ng love life. "Matagal pa po 'yan, alam niyo po 'yan. Si Ate pa!" bulalas niya.


Mula nang tumuntong siya sa edad na 18, nararamdaman ni Mika dela Cruz na unti-unti na siyang pinagkakatiwalaan ng kanyang mga magulang na maging independent.

Saad ni Mika, “Actually po, at yung mommy ko, simula noon and now na 18 na ako, siya ang lagi kong kasama.

“Twelve years na araw-araw na taping ko mula Goin' Bulilit, Star Circle, siya ang kasama ko sa lahat.

“Tapos ngayong nag-start ang Meant To Be, she had to go to Austria dahil kailangan niyang alagaan ang lola ko dun.

“Two months siyang nawala. Tapos, pagbalik niya, nakita niyang kaya ko na.”

Nang umalis ang mommy niya, napatunayan ni Mika na kaya na rin niyang hindi palaging sinasamahan.

“Kasi, mag-isa akong nagte-taping.

“First time kong kumuha ng P.A. [personal assistant] para may kasama ako. So, P.A., driver ang kasama ko.

“Nang bumalik siya at nakita niyang kaya ko nang mag-isa, hinahayaan na niya ako.

“Ngayon, hindi na siya sumasama.”

Kahit daw ang ate niyang si Angelika dela Cruz ay lumuwag na rin pagdating sa kanya.

Sabi ni Mika, “Nakita naman po nila na kaya ko naman kahit hindi tutok.

“Kasi, ilang years na ginuide ako ng mama ko. 

“Alam ko kung ano ang kaya kong gawin. Alam ko ang tama sa mali.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mika sa taping ng Kapuso primetime series na Meant To Be, sa UP Village, nitong nakaraang linggo.

LOVE LIFE. Pero pagdating sa love life, tingin daw ni Mika ay hindi pa siya papayagan ng kanyang Ate Angelika kahit 18 na siya.

“Feeling ko po si Ate, hindi pa.

“Matagal pa po ‘yan, alam niyo po ‘yan. Si Ate pa!” natawang sabi niya.

Napag-uusapan ba nila ang bagay na ito?

“Hindi, hindi po namin napag-uusapan,” sagot niya.

Paano kung ma-in love siya?

Ayon kay Mika, “Wala, parang feeling ko po kay Ate, hindi pa rin niya tanggap na nagdadalaga na ako. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi baby-baby nila ako. Para na niya akong anak.

“Eighteen years ang agwat namin, so darating din naman tayo sa point na puwede na.”

Kinumusta rin namin kay Mika kung bakit tila hindi visible ngayon ang Ate Angelika niya sa telebisyon.

Paliwanag niya, “Nag-lie low po siya kasi ngayon, marami siyang inaasikaso sa barangay.

“Ang Kuya Eric ko po, na-appoint na bagong kagawad namin.

“So, talagang tutok sila ngayon sa barangay.

“At saka, gusto po niyang sulitin ang oras niya sa baby niya, si O2. 

“Barangay-bahay, yun po siya ngayon. Working mom/housewife, parang ganun po.”

Si Angelika ay nanunungkulan bilang barangay captain sa kanilang lugar sa Longos, Malabon.

Dagdag ni Mika, “At saka sa ngayon po, nagpapayat pa rin siya. 

“I'm sure, pag bumalik siya, parang dalaga na ulit siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN