Sunshine Dizon encourages other women to get married despite her failed marriage

IMAGE Rose Garcia

Sunshine Dizon is forging ahead after the collapse of her marriage, and looking sexier than ever. Her cheerful reaction: "Baka yun na lang ang blessing ni God, 'O, hayan, gagawin kitang maganda.' Okey na rin."


Kahit na ano pa ang pinagdaanan ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon sa kanyang personal na buhay, hindi raw ito dahilan para maging bitter siya.

Natatawang sabi niya, "Hindi naman ako yung tipong misery loves company!"

Ibig sabihin ay hindi niya dini-discourage ang mga gustong magpakasal dahil lamang sa nangyari sa kanyang marriage.

Pahayag ni Sunshine, "It's still their prerogative.

"I wouldn't say anything bad or wrong just because I went through some difficulties with my marriage. 

"Who am I to tell them not to do something or advice them na parang mag-ingat or what?

"Choice nila yun pero, as a friend, may mga advice ka lang."

Sa hiwalay na panayam, nabanggit ni Rich Asuncion na marami siyang natutunan kay Sunshine bilang co-star sa GMA-7 afternoon drama series na Ika-6 Na Utos

Strong woman ang dating ni Sunshine, pero aniya, "I wouldn't say I'm super strong or what.

“I think every day is a choice, you just push through or not. 

"Ako, I just push forward. Wala naman akong ibang aasahan kung hindi sarili ko lang din. 

“So… better make something of yourself and do better."

Dugtong pa niya, "At saka, as long as my kids are doing well and okay, I'm fine."

Nagkataong International Women's Day noong araw na dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa taping ng kanilang teleserye, sa New Manila, Quezon City.

SEXIER. Kapansin-pansin naman ang pagiging mas seksi si Sunshine ngayon sa kabila ng nangyari sa personal niyang buhay.

"I don't know," natawang reaksiyon niya, “hindi ko rin kayang sagutin.

“Baka yun na lang ang blessing ni God, ‘O, hayan, gagawin kitang maganda.’ 

“Baka yun na lang din po ang kapalit, okey na rin.”

Sa ika-6 Na Utos, may mga eksenang sine-seduce niya si Gabby Concepcion.

Ayon kay Sunshine, ”It's just a character, actually, nagtatawanan lang kami after. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang awkward talaga, hindi ko na alam kung saan umabot ang paa ko na nakapillipit ako para lang umabot. 

“Ang legs ko kasi ang haba kaya parang ang hirap under the table.

"It's really fun, like yung scene na nagposas si Gabby, e, mock-up lang yung bed, hindi proper bed.

"Parang nag-crack yung ilalim, tawanan na lang kami."

Pero dagdag ng aktres, ”May restriction naman kami, sabi nga ni Direk Laurice [Guillen], sensuality naman kami. 

“Ako naman, personally, I know na hanggang doon lang din ako.

“Let's keep it at that, we're getting good reviews naman."

Natapos na raw ang kontrata ni Sunshine sa GMA-7, pero magre-renew siyang muli ng panibagong tatlong taong kontrata bilang Kapuso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN