KC Concepcion on Sharon Cuneta-Gabby Concepcion reunion movie: "Mao-awkward talaga ako."

IMAGE Noel Orsal

KC Concepcion about her parents Sharon Cuneta and Gabby Concepcion: "May movie, kung wala, ang importante sa akin magkaibigan sila. I'm sure naman na kahit papaano na 'di sila magiging magkaaway dahil nandito ako."


Usap-usapan ang pagtatambal-pelikula ng mga magulang ni KC Concepction na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa isang pelikula.

Naantala lang daw ito dahil sa diumano'y hinihingi na 10 million pesos ng aktor para gawin ang pelikulang ito.

Para naman kay KC, matuloy man o hindi ang nasabing proyekto, ang mahalaga ay mapanatili ng dalawa ang pagiging magkaibigan ng mga ito.
   
Sabi niya, “Of course that will be a treat na mapanood sila sa pelikula pero sa tingin ko mao-awkward talaga ako.

“Yung magulang ko kung saan ako nanggaling e pinapanood ko na naman sa screen sa 2017?

“Ano na lang ang mangyari, may movie, kung wala, ang importante sa akin magkaibigan sila.
   
“I’m sure naman na kahit papaano na 'di sila magiging magkaaway dahil nandito ako.

“Sana maging maganda lang yung relasyon nilang dalawa bilang magkaibigan.”
 
   
KC AND ALY. Boto ang pamilya ni KC sa boyfriend niya na si Aly Borromeo.

Vocal nga si Sharon na gusto niya ang Azkal player para sa panganay na anak.

Marami rin ang nag-aabang kung kallan mauuwi sa kasalan ang relasyon ng dalawa.
  
Lahad ni KC, “Ako naman, time will tell sa aming dalawa kung ito na talaga, only time will tell talaga.

“I’m very thankful that he is also very spiritual na tao kasi importante yun para may sentro siya dun.”
 
Masaya rin daw siya na supportive si Aly, “Hayun busy siya sa football, ako naman busy naman sa mga endorsements.

“It’s a very positive relationship, siyempre dapat ang hahanapin mo yung bagay sa iyo, yung ‘di ka ide-drain, yung ‘di ka papagurin.

“Yung talagang happy sa success mo na pag successful ka, masaya siya.”
 
Advantage ba na magkaiba sila ng career paths ng kasintahan?
  
Tugon ni KC, “Maganda rin pag magkaiba, ang importante maiintindihan ng non-showbiz yung trabaho ng nasa mundong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although celebrity na rin siya in his own life, sa mundo ng sports.

“Ang ganda, ang ganda ng feeling, parang ibang world.”
 
Nakapanayam si KC ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa launching ng Downy Parfum Collection nung Miyerkules, March 8, sa Shangri-La The Fort.

Isa siya sa ipinakilala bilang endorsers kasama sina Pia Wurtzbach at Bianca Gonzalez-Intal.    


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN