Nora Aunor backs out of It's Showtime guesting because of Vice Ganda

IMAGE Noel Orsal / Mark Pimentel

Superstar Nora Aunor (right) has been announced as the main judge of the grand finals of the "Tawag ng Tangahalan" contest in It's Showtime tomorrow, March 11. But the legendary actress-singer has decided to back out, and appear on Eat Bulaga! instead, because of this reason: "Hindi ako feel ng main host nila na si Vice Ganda (left). Baka bastusin lang ako nun."


Marami ang nagulahan kung saang noontime show lalabas ang Superstar na si Nora Aunor bukas, March 11.

Sa nailabas na press release ng It’s Showtime, ang daily noontime show ng ABS-CBN, inanunsiyong si Nora ang magiging main judge sa grand finals ng “Tawag ng Tanghalan” na gaganapin sa Resorts World Manila.

Nagsimula ang showbiz career ni Nora nang maging grand champion siya sa singing search na Tawag ng Tanghalan noong 1968.

Sa TV plug naman para sa Saturday edition ng Eat Bulaga!, na napapanood sa GMA Network, inanunsiyo na magiging special guest din ang Superstar.

Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nora, sa pamamagitan ng telepono, kahapon, March 9, sinabi niyang sa Eat Bulaga! siya maggi-guest bukas.

Ayon sa veteran actress-singer, “Malaki ang utang na loob ko kay Tito Sen [Senator Tito Sotto]. Hindi ko siya puwedeng tanggihan.

“Kasi alam mo naman, ang laki ng naitulong niya nung magkasakit at mamatay si Buboy,” pagtukoy ni Nora sa kanyang yumaong kapatid na si Eddie Villamayor.

Dagdag pa niya, “Alam mo naman, mahalaga sa akin ang pagtanaw ng utang na loob.”

VICE GANDA. Ikinagulat namin ang sumunod na pahayag ni Nora kung bakit ayaw niyang lumabas sa It’s Showtime.

Sabi ng Superstar, “Saka hindi ako feel ng main host nila na si Vice Ganda.

“Baka bastusin lang ako nun, tulad ng pambabastos niya sa akin sa show niya.

“Yung mga patutsada niya, parinig niya na alam ko ako ang tinutukoy niya dahil minsan ako mismo ang nakarinig, e.”

Inusisa namin si Nora tungkol sa lumabas na press release sa ilang tabloids na siya ang magiging main judge sa “Tawag ng Tanghalan” grand finals.

Sa halip na sagutin ang aming tanong ay ibinigay niya ang numero ng isa sa mga executive producer ng It’s Showtime na si Peter Edward Dizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinadalhan ng writer na ito ng mensahe si Peter, sa pamamagitan ng text message, kung maaari namin siyang tawagan tungkol sa pagge-guest ni Nora sa kanilang programa.

Ngunit hindi kami nakatanggap ng sagot mula kay Peter.

Pagkatapos ng ilang sandali ay tinawagan kami ni Nora. Tila nagbago na ang kanyang desisyon.

Sabi niya sa amin, “Ate Mercy, nabasa ko nga, nasulat na sa ilang diyaryo na ako ang main judge sa grand finals ng ‘Tawag Ng Tanghalan.’

“So, dyahe naman kung hindi ako sisipot, baka isipin di ako professional at maging issue pa na nang-indian ako.”

Ayon kay Nora, “Tuloy na tayo sa ‘Tawag Ng Tanghalan.’

“Kakausapin ko na lang si Tito Sen at ie-explain ko sa kanya yung situation.

“Siguro naman maiintindihan ako ni Tito Sen.

"Kausapin mo na si Peter. Sabihin mo, okay na ako na mag-judge sa ‘Tawag Ng Tanghalan.’”

NORA BACKS OUT. Tinawagan ng writer na ito ang business unit head ng It’s Showtime na si Railey Santiago upang iparating ang pahayag ni Nora, na matutuloy na ang paglabas nito sa kanilang programa.

Si Railey ay kapatid nina Randy, Rowell, at Raymart Santiago.

Sumagot naman si Railey at sinabing siya na ang magsasabi kay Peter sa naging desisyon ng Superstar.

Ngunit pagkatapos ng ilang sandali ay nag-text sa amin si Railey.

Sinabi niyang nag-back out na si Nora.

Kinumpirma naman ito ng Superstar sa text message na ipinadala niya sa amin.

Mensahe niya: “Oo. Nag-back out na talaga ako. Hindi ko kaya si Vice Ganda.”

Sinundan pa niya ito ng ganitong mensahe: “Ate Mercy, nag-back out ako dahil hindi ko kaya si Vice Ganda. Hindi kaya ng puso ko ang pambabastos na ginawa sa akin ni Vice Ganda."

Pagkatapos nito ay tinawagan na namin si Nora upang usisain tungkol sa pagpapalit niya ng isip.

Ano ba ang “pambabastos” na ginawa sa kanya ni Vice?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ng Superstar, “Yung usual na ginagawa niya na magsasalita siya pero may pinatatamaan.

“Sorry, Ate Mercy, pakisabi na lang kay Mr. Railey, humihingi ako ng tawad sa naging desisyon ko.

“Gusto ko mang mag-guest pero hindi ko kaya ang ginawang pambabastos sa akin noon ng main host ng show.

“Lahat ng imbitasyon sa akin ng ABS-CBN para mag-guest, wala akong naging problema.

“Dito lang talaga sa It’s Showtime dahil sa main host ng show.

“Para lang mapatawa niya ang tao, kahit mambastos na siya ng kapwa niya, ginagawa niya.”

Pahabol pa ni Nora, “Muli, ang aking paghingi ng tawad kay Mr. Railey at Mr. Peter.”

Ed’s Note: Bukas ang PEP sa panig ni Vice Ganda at ng mga taga-It’s Showtime tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN