G Tongi calls out Mocha Uson for "bullying" Vice President Leni Robredo

by Nikko Tuazon
Mar 11, 2017
G Tongi to Mocha Uson: "Stop spreading lies, propaganda & #AlternativeFacts @MochaUson Get a real job instead of creating vitriolic divisions between Pinoys."

Muling na namang nagsagutan sa social media ang actress-host na si G Tongi at ang sexy star-turned-blogger nitong Biyernes, March 10.

Noong nakaraang Huwebes, March 9, umalma si Mocha sa mga supporter ni Vice President Leni Robredo dahil ang mga ito umano ang naging dahilan kung bakit na-suspend ang kanyang Twitter account.

Read: Mocha Uson blames VP Leni Robredo supporters for suspension of her Twitter account

Bilang tugon sa mga ito, sinimulan naman ni Mocha ang #LeniTrolls sa Twitter at hinikayat ang kanyang followers na gamiting nasabing hashtag.

Tweet ni Mocha, "Hashtag po natin ay #LeniTrolls dahil pugad nila ang Twitter."

Ipinagtanggol naman ni G Tongi si VP Robredo mula riito at sinabihan ang baguhang MTRCB (Movie and Television Ratings and Classifications Board) board member na tigilan ang diumano'y pambu-bully nito.

Mensahe ni G Tongi kay Mocha, "@MochaUson a woman of substance does not need to put a woman like @lenirobredo down. Stop being a #bully. Have some humanity!"

Continue reading below ↓


Dagdag pa ni G Tongi, "Stop spreading lies, propaganda & #AlternativeFacts @MochaUson Get a real job instead of creating vitriolic divisions between Pinoys."


Continue reading below ↓

Sinagot naman ni Mocha ang paratang ni G Tongi at sinabing sila ang nagpapakalat ng maling balita.

Tweet ni Mocha, "Iba ka talaga @gtongi kayo ang nanggugulo sa bayan at nagpapakalat ng fake news about our country. Mahiya ka nga. #LeniTrolls"


Dugtong pa nito, "Good things brought by Duterte admin are not #AlternativeFacts they are facts that you continue to disregard in ur blind hate 2wards him."

Continue reading below ↓


Sa huli, muling nagpasaring si G Tongi sa Twitter bilang tugon kay Mocha.

Sulat nito, "Waking up in Los Angeles to #MochaFloppe Wat does that say? That paid online armies don't have the comprehension to compress thought #truth."


Continue reading below ↓

Hindi ito ang unang beses na nagkainitan ang dalawa sa social media.

Nitong nakaraang January 25, binuweltahan ni Mocha si G Tongi nang kuwestyunin nito ang kanyang kakayanan at qualification bilang MTRCB Board Member nang bumisita ang Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa U.S.

Read: G Tongi questions MTRCB appointment of "sex blogger" Mocha Uson

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
G Tongi to Mocha Uson: "Stop spreading lies, propaganda & #AlternativeFacts @MochaUson Get a real job instead of creating vitriolic divisions between Pinoys."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results