James Reid on online bashers of girlfriend Nadine Lustre: "She's not affected that much."

IMAGE Noel Orsal

James Reid on online bashers of girlfriend Nadine Lustre: "Nadine is strong. She's not affected that much."


Tila sanay na sa pagkikibit-balikat ang celebrity couple na sina James Reid at Nadine Lustre pagdating sa online bashers.

Kamakailan lang ay nagalit ang ilang JaDine fans dahil sa di magandang biro na “gang rape” at "cancer" tungkol kay Nadine.

Ang naturang social media post ay galing sa isang fan umano ng isang Kapamilya love team.

Sa launch ng iniendorso ni James na Fujifilm X-T20 camera kahapon, March 11, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang mensahe niya sa bashers ng kanyang girlfriend.

Maikling sagot ng Till I Met You actor, “I don't care about bashers. I've really nothing to say.”

Sabi pa niya, “Nadine is strong. She's not affected that much.”

Ayon kay James, hindi nila napag-uusapan ang tungkol sa bashers o anong dapat maging reaksiyon sa mga negatibong komento.

Aniya, “Never. We don't even talk about it.”

Sa halip na magpaapekto, inilalaan na lamang nina James at Nadine ang kanilang atensiyon sa trabaho.

Ngayong linggo ay patungong Amerika ang dalawa para sa Always Jadine USA Tour 2017

Abala rin daw si James ngayon sa kanyang bagong music album.

How does @jaye.wolf make things extraordinary? Watch his answer here:

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN