Will Devaughn prefers low-key relationship with girlfriend Roxanne Barcelo

IMAGE Instagram photo of Will Devaughn

Will Devaughn describes four-year relationship with Roxanne Barcelo: "I'm not so full force with putting my relationship out there, pero alam naman ng mga tao na kami."


“My girlfriend is my favorite subject to shoot, hindi alam ng mga tao 'yan.”

Ito ang pabirong pahayag ni Will Devaughn tungkol sa girlfriend niyang si Roxanne Barcelo.

Bagamat tahimik, masaya raw na maituturing ang relasyon nina Will at Roxanne, na umabot na ng apat na taon.

“I'm not so full force with putting my relationship out there, pero alam naman ng mga tao na kami.

“But as far as mga detalye, I can leave that up to their imagination,” sabi ni Will tungkol sa pagiging low-key nilang celebrity couple.

Kung siya raw ang tatanungin, ipapayo niya rin ang ganitong setup para sa iba pang celebrity couples.

Sabi ni Will, “Para sa akin, it's really helpful, but not so much naman.

"I mean you don't have to put all your information out there kasi, for me, it's a very personal thing.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Will sa official launching ng Fujifilm X-T20 noong Sabado, March 11.

WAITING FOR THE RIGHT TIME. Aminado naman si Will na napag-uusapan na nila ni Roxanne ang mag-settle down.

Aniya, “Well, nag-uusap naman kami, alam ko naman na siya na yun.”

Pero nilinaw rin niyang hindi pa ito mangyayari agad.

“When that particular day happens, which will happen, pero wala pa namang date.

"At the moment, we're just focusing on, well, not only show business para sa kanya, but also a business for me.

"Para maganda rin ang wedding, maganda rin ang moment.”

Halos ganito rin ang naging sagot ni Roxanne sa hiwalay na panayam sa kanya ng PEP.

Sabi ng actress-singer, "I really hope na he’s the one, it will happen with grace.

"Yung hindi pinu-force yung mga bagay, and getting married is such a big step.

“I feel that there are so many beautiful things that are already happening in my life right now, and if that would happen, great.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Roxanne Barcelo not jealous of friends who are married
Roxanne Barcelo not jealous of friends who are married


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN