Benjamin Alves accidentally admits celebrating monthsary with Julie Anne San Jose

IMAGE Noel Orsal

Tila nadulas si Benjamin Alves nang aminin niyang nagse-celebrate sila ng monthsary ng rumored girlfriend niyang si Julie Anne San Jose. Ito ay sa kabila ng hindi pa nila pormal na inaamin kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.


Bagamat wala pa silang inaamin, tila nadulas si Benjamin Alves nang tanungin kung nagse-celebrate sila ni Julie Anne San Jose ng monthsary.

“Oh yeah!” mabilis niyang sagot, at saka natawa.

Pero bawi niya agad, “Well, mostly ng fans club. Kasi 19th, magma-monthsary.

“Yung fans po, nagma-monthsary sila. So, mag-a-aniversary na.”

Kilalang aktibo sa social media ang fans ni Julie Anne. Hindi ba siya natatakot na ma-bash ng fans ni Julie Anne kapag hindi sila nagkatuluyan?

“Wala, I’ll understand,” sambit ni Benjamin.

“I mean, nagha-hypothetical tayo. If we end up or, you know, I just hope na I’ll understand them.

“That’s why they’re called fans, there’s a tandem na I’m sure fans will understand.

“Wala sa akin yun.”

Patuloy niya, “Ang laking bagay po sa akin ng fans. Sila ang nagbigay sa amin ng show.

“I would like to repeat na nag-uusap kami online, nababasa niyo po, nabuo yung mga fans and followers, and GMA offered us the show.

“So, we didn’t come na nag-show tapos nagkaroon ng fans. So, yun ang step na nangyari.

“So, malaking bagay po sila sa akin, kahit sa amin.”

Kahit mga bashers?

“Yes, well, sa akin po kasi, wala po…

“Pero kung sa pamilya ko, kahit sino naman po, may protective genes ka talaga. 

“And with bashers naman po, once you replied to it, immediate regret na agad, kasi natalo ka, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Benjamin sa taping ng afternoon drama series nila ni Julie Anne, ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa, sa Marcos Highway, noong March 8.

NO LIMITATIONS. Inamin naman ng Kapuso actor na kung siya ay seloso, selosa rin ang rumored girlfriend niya.

Sabi ni Benjamin, “Well, hindi siya yung… yung lambing na selos lang. 

“Hindi naman siya yung selos na galit na galit ako sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi raw siya yung tipo ng lalaking naghihigpit o nagiging istrikto sa babaeng karelasyon.

“Hindi po, hindi po. Hindi ko nga ma-get yung mga lalaking ganun.

“Nagagandahan sa isang babae, naseseksihan, tapos kapag naging sila na, bawal na lahat.

“E, yun nga yung naging attractive ka nga sa babae. So, bakit mo siya pipigilan?” saad niya.

Kung sakaling mag-cover pictorial si Julie Anne sa FHM, papayagan niya?

Tugon ni Benjamin, “E, yung mga choice na ganun, sa kanya po yun.

“Hindi po niya kailangang magpaalam sa akin.

“Babae po si Julie. At siya ang pinaka-panganay sa pamilya nila. 

“May takot po siya sa parents niya. Nandun ang respeto niya sa parents niya.

“Anuman ang grounds niya sa mga ganyang desisyon, nirerespeto ko.

“Hindi niya kailangang sabihin na ‘baka magalit siya.’ Okey lang, kung magalit ako, desisyon niya yun, e.”

Patuloy niya, “Yun ang gusto ko sa aming dalawa, we’re still able to…

“You know, we’re dating, getting to know each other, nandito kami sa phase na ganito, individual pa rin kami.

“Hindi kami nagli-limit sa isa’t isa.”

BIRTHDAY WISH. Sa March 31 ay magdiriwang ng kanyang 28th birthday si Benjamin.

Wala pa raw siyang plano sa kaarawan niya, lalo na’t natapat na may taping sila ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa sa araw na iyon.

“But I don’t mind, ha, kasi blessing daw yun, you’re working on your birthday,” sabi ng aktor.

Pero lumabas din na parang wini-wish ni Benjamin na ma-surprise siya ngayong kaarawan niya.

Gusto niyang i-surprise siya ni Julie Anne?

Natawa ito saka sinabing, “Sabi ko, sana kahit kasama sila Kuya Victor [Neri], after the show, you know, kahit Hong Kong Disneyland or something.

“Okey lang din naman sa akin na kahit hindi kaming dalawa lang.

“It’s the respect din, kahit with the sisters or kasama ang cast.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ini-expect ba siya ngayong darating na kaarawan niya?

“Well, wala naman akong ini-expect. Basta happy ako.

“At sana, may taping kami ng araw na yun para magkikita kami. Baka may dala siyang pagkain,” nakangiting sabi ni Benjamin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN