Vice Ganda laughs off Nora Aunor backing out of It's Showtime

IMAGE Noel Orsal

Hindi na pinatulan ni Vice Ganda ang Superstar na si Nora Aunor sa patutsada nito laban sa kanya kaugnay ng pag-urong nito sa paggi-guest sa It's Showtime noong Sabado, March 11.


Tinawanan lang ni Vice Ganda ang isyu nila ng Superstar na si Nora Aunor.

Ito ay kaugnay ng pag-urong ni Nora sa pagiging special judge at guest sa grand finals ng "Tawag ng Tanghalan" sa It's Showtime noong Sabado, March 11.

Rason ng Superstar, hindi niya kaya ang pambabastos umano sa kanya ni Vice, na main host sa noontime show ng ABS-CBN.

Ngunit ayon sa kuwento ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinawanan lang ng phenomenal box-office star ang isyu ni Nora sa kanya.

Sabi pa raw ni Vice: "No comment. Mas relevant pa si Gina Lopez kesa sa aming dalawa."

Ito ay base na rin sa tweet ni MJ pagkatapos ng It’s Showtime noong Sabado, March 11.

Si Gina Lopez ay ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na kasalukuyang sumasailalim sa confirmation sa Kongreso.

Dagdag pa ni MJ, na nakausap ng PEP ngayong Martes, March 14, matapos sumagot ni Vice ay umalis na ito at hindi na nagbigay ng karagdagang pahayag.

Read: Nora Aunor backs out of It's Showtime guesting because of Vice Ganda


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN