Marian Rivera and Andrea Torres exchange pleasantries on Instagram amid snubbing report

IMAGE Noel Orsal

Ilang oras pagkatapos lumabas dito sa PEP ang ulat tungkol sa diumano'y isnabang nangyari sa pagitan nila sa backstage ng Sunday Pinasaya, nag-post si Marian Rivera sa Instagram at nagkomento naman dito si Andrea Torres.


Walang alitan sa pagitan nina Marian Rivera at Andrea Torres.

Ito ay kung pagbabasehan ang palitan nila ng mensahe sa Instagram ngayong Martes ng hapon, March 14.

Ilang oras pagkatapos lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ulat tungkol sa diumano'y isnabang nangyari sa pagitan nila sa backstage ng Sunday Pinasaya noong Linggo, March 12, nag-post si Marian sa Instagram (@marianrivera) ngayong araw ng larawan ng isang kumpol ng roses.

Caption ni Marian dito: "I am extremely excited to share this with all of you-- Flora Vida. Soon! @floravidabymarian"

Ang Flora Vida ay ang pangalan ng flower shop na iniregalo ng mister niyang si Dingdong Dantes kay Marian.

I am extremely excited to share this with all of you-- Flora Vida. Soon! ?? @floravidabymarian ????

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Sa comment section, isa sa mga nag-post ng komento ay si Andrea (@andreatorres).

Sinagot naman ito agad ni Marian.


Sinundan ito ni Andrea ng ganitong mensahe: "Excited na akez! Haha See you Ate when you get back! Enjoy kayo sa vacation"


Sagot dito ni Marian: "@andreaetorres awww thanks! Ano gusto mo pasalubong? wag nyo na ako pahirapan mag isip nila ateng whahahha"


Muling sumagot si Andrea: "Hahahahaha! Ayeee.. Text kita now"


Ang "Ateng" na tinutukoy ni Marian ay ang kanilang manager ni Andrea na si Rams David.

Sina Marian at Andrea ay parehong nasa ilalim ng pangangalaga ng Triple A, ang talent management na pagmamay-ari ni Mr. Tony Tuviera.

Ilan naman sa followers ni Marian ang nagsabing masaya silang "okay" naman pala ang dalawang aktres, taliwas sa ulat ng PEP:


Kabilang din sa nagkomento ang mga kaibigan ni Marian na sina Ai-Ai delas Alas at Boobay, at si Rams.

Walang binanggit sina Marian at Andrea tungkol sa lumabas na isyu sa kanila.

Samantala, sa Instagram account naman ni Andrea ay nag-post siya ng black-and-white photos kasama ang kanyang pamilya.

Where life begins and love never ends ??

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres) on

Yung pinagusapan natin ha ???????? Hihihi!

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres) on

THE PEP STORY. Bago ilathala ng PEP ang unang report tungkol sa hidwaan umano nina Marian at Andrea, sinubukan naming kunan ng panig si Andrea, sa pamamagitan ng text messaging at direct messaging sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi niya sinagot ang aming mga ipinadalang mensahe.

Nang makausap ng PEP ang manager nina Marian at Andrea na si Rams, pinabulaanan nitong may isyu sa dalawang aktres at "very okay" raw ang mga ito.

Read: PEP SCOOP. Marian Rivera and Andrea Torres allegedly involved in snubbing incident


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN