Maine Mendoza visits wake of slain diehard fan

IMAGE Noel Orsal

Kahit abala sa taping ng kanilang teleserye na Destined To Be Yours, naglaan pa rin si Maine Mendoza ng oras upang makiramay sa pamilya ng nasawing diehard fan. Nauna na rito, nanawagan siya ng katarungan para sa pinaslang na tagahanga. 


Nailibing na nitong nakaraang linggo ang napaslang na diehard fan ni Maine Mendoza na si Maria Rachelle 'Raz' Alfaro.

Pero bago ihimlay si Raz sa kanyang huling hantungan, dumalaw sa burol ang kanyang idolo na si Maine upang makiramay at magbigay-respeto.

Sa isang in-upload na larawan sa Instagram, makikita si Maine na nasa harap ng kabaong ni Raz.

Ayon sa caption ng nag-post na si @mengshy15: “Salamat @mainedcm kahit bucy bucy ka pagod at puyat sa taping, my time kp pa rin mkapunta sa burial ni @raz.alfaro...dahil jan lalo kp namin susuportahan at mamahalin, God bless you Paalam @raz.alfaro.”

A post shared by Mengshy15 (@mengshy15) on

 

Si Raz ay isang registered nurse  na nagtamo ng 17 saksak sa katawan sa isang resort sa Tanza, Cavite.

Siya ay AlDub fan at administrator ng social media accounts ng The MaineGirls Fans Club.

Noong nakaraang linggo rin ay nanawagan si Maine ng hustisya para sa malagim na pagkamatay ni Raz.

Read: Maine Mendoza joins call for justice for slain fan


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN