Mikael Daez on Kylie Padilla's pregnancy: "I think she is happy."

IMAGE Noel Orsal

Pareho ng management sina Mikael Daez at Kylie Padilla, kaya hindi maiwasang tanungin ang aktor sa reaksiyon niya nang lumabas ang balitang buntis ang aktres. Pahayag ni Mikael, "Well, things happen and, at the end of the day, kahit may mga magaganda o unexpected na nangyayari, kailangan lang nating tanggapin at suportahan yung mga taong minamahal natin."


Parehong nasa pangangalaga ng Vidanes Celebrity Marketing sina Mikael Daez at Kylie Padilla.

Bilang “magkapatid” sa management, ano ang naging reaksiyon ni Mikael nang pumutok ang balitang buntis si Kylie at ang ama ng dinadala nito ay si Aljur Abrenica?

Pahayag ng Legally Blind actor, “Well, things happen and, at the end of the day, kahit may mga magaganda o unexpected na nangyayari, kailangan lang nating tanggapin at suportahan yung mga taong minamahal natin.

“Kasama ako dun, si Kylie, at yung management ko.

“So, wala, nangyari na, e. And right now, I think she is happy.

“Masaya naman siya, e.”

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Mikael sa isyung nagalit si Aljur sa management nila ni Kylie dahil pinangunahan daw nito ang pag-aanunsiyo ng engagement nina Kylie at Aljur.

“Hindi ko alam!” bulalas ng Kapuso actor.


Stories We Are Tracking

Kylie Padilla and Aljur Abrenica are engaged!
Kylie Padilla and Aljur Abrenica are engaged!
Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Kylie Padilla on her pregnancy:
Kylie Padilla on her pregnancy: "Sorry, napaaga."

Close ba sila ni Aljur?

Tugon niya, “Hindi ako masyadong close… nakakausap ko naman siya…

“Between me and Aljur, we’re actually very good… when we see each, other nag-uusap kami.

“And medyo okay yung mga usapan namin, e.”

Pero mas close daw siya kay Kylie

Si Mikael ay nag-iingat daw makabuntis.

“Yes, ayokong makabuntis ngayon. You can put that on the record,” nakangiti niyang sabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

WORKING WITH MEGAN’S SISTER. Kamakailan lang ay umamin na sina Mikael at Megan Young tungkol sa kanilang relasyon.

Sa hiwalay na panayam sa nakababatang kapatid ni Megan na si Lauren Young, sinabi nitong si Mikael “add color to our lives!”

Ibig sabihin, boto ang buong pamilya nila sa aktor.

Ano ang reaksiyon dito ni Mikael?

“Mabait ako, e, mabait ako!” tawa niya.

“Natutuwa yun sa akin,” pagtukoy ni Mikael kay Lauren, na co-star niya sa Kapuso afternoon drama series na Legally Blind.

“Alam mo kung bakit? Siyempre… ganito ang ginagawa ko, ha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Obviously, mahilig akong bumiyahe and then, one time, nagwo-workout kami ni Megan, 1 A.M., sa Anytime Fitness kami, so workout-workout.

“Tapos sabi ko, ‘Wala kang trabaho bukas, ‘no? Wala rin akong trabaho bukas, beach tayo, La Union tayo.’ ‘Kailan?’ ‘Ngayon na!’

“’Tawagan mo si Lauren, gisingin natin.’

“Ginising ko si Lauren, ‘Lauren, wake up, matulog ka sa kotse ko, aalis tayo!’ ‘Okay.’

“Ayun, pagkagising niya, nasa La Union na kami. Enjoy kaming lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN