Daniel Matsunaga has moved on from breakup with Erich Gonzales, assures Jonas Gaffud

IMAGE Noel Orsal

Jonas Gaffud (not in photo) on Daniel Matsunaga (in photo) and Erich Gonzales breakup: "As Daniel's manager, ako na ang nagsasabi na hindi pera ang dahilan. Kung makikita lang nila ang mga trabaho ni Daniel for this year, punung-puno ang calendar niya. Whatever ang reason ng paghihiwalay nila, silang dalawa na lang ang makakasagot nun."


Naka-move on na si Daniel Matsunaga mula sa breakup nila ni Erich Gonzalez.

Ito ang sabi ng manager ni Daniel na si Jonas Gaffud ng Mercator Artist and Model Management, Inc. at Aces & Queens.

Nakausap daw ni Jonas si Daniel bago umalis ang Brazilian-Japanese model-actor papuntang Amerika para sa gagawin nitong series of shows doon.

Sabi ni Jonas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I think he’s okay.

“Knowing Daniel, kung hindi pa okey ‘yan, hindi makakapagtrabaho ‘yan.

“Pero before he left para sa gagawin niyang shows sa U.S. and Canada, mukhang okey na siya. Naka-move on siya from what happened.

“Kasi naging busy naman siya, e. Bago itong shows na gagawin niya sa U.S. and Canada, nakapag-shoot pa siya para sa I Can Do That sa ABS-CBN.

“Siguro ang pagiging busy sa career niya ang naging sagot sa pag-move on na niya.”

Nakausap ng PEP si Jonas sa CaliBurger, sa may Timog Avenue, Quezon City, nitong Martes, March 14.

THE LAST TO KNOW. Inamin ni Jonas na isa siya sa huling nakaalam na break na sina Daniel at Erich.

Lahad niya, “Kami naman ni Daniel, bihira kami yung magkuwentuhan talaga.

“Nakakasama ko lang kapag may pag-uusapan na project niya sa Dos or sa mga events ng Mercator.

“Nag-uusap lang kami niyan thru text or private messaging.

“Noong may balita ngang nag-break na raw sila ni Erich, may nagsabi lang sa akin nun.

“Kasi, that happened yata after lang ng Miss Universe.

“E, iba ang stress level ko noong mga panahon na iyon.

“Kumbaga, wala akong ibang naiisip kundi yung Miss Universe.

“Kaya hanggang sa nakapagbakasyon ako a week after ng Miss Universe, hindi ko pa rin iniintindi yung nangyari kay Daniel.”

Patuloy niya, “Marami na ang tumatawag sa akin na mag-react ako, hindi ako sumasagot.

“Feeling ko kasi, baka hindi rin totoo yung balita o magkakaayos naman agad silang dalaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi bago nagkaroon ng breakup na balita, okey naman silang dalawa. Wala akong naramdaman na may magaganap na breakup.

“Tsaka naging busy din ako, di ba? Since the middle of 2016, inaasikaso na namin yung pag-stage ng Miss Universe dito sa atin.

“Kaya medyo nawala muna ang attention ko sa showbiz.

“Since may mga handlers ang mga talents ng Mercator sa GMA-7 at ABS-CBN, sila na muna ang nakikipag-usap kapag hindi ako available.”

MONEY ISSUE. Naalarma lang daw si Jonas nang may lumabas na balitang pera ang dahilan ng paghihiwalay nila Daniel at Erich.

Pahayag niya, “Natawa naman ako doon kasi hindi naman totoo iyon.

“In fairness to Daniel, hindi naman siya nawawalan ng trabaho. Tsaka may sariling pera yung tao.

“And in fairness din naman to Erich, she never mentioned anything about the breakup na ang kinalaman ay pera.

“Yung ibang tao na lang ang nag-assume na pera ang dahilan hanggang sa lumaki na nang lumaki.”

Diin ni Jonas, “As Daniel’s manager, ako na ang nagsasabi na hindi pera ang dahilan.

“Kung makikita lang nila ang mga trabaho ni Daniel for this year, punung-puno ang calendar niya.

“Whatever ang reason ng paghihiwalay nila, silang dalawa na lang ang makakasagot nun.”


Stories We Are Tracking

Daniel Matsunaga and Erich Gonzales break up?
Daniel Matsunaga and Erich Gonzales break up?
Erich confirms breakup with Daniel:
Erich confirms breakup with Daniel: "It's over."
Daniel on breakup with Erich:
Daniel on breakup with Erich: "It was never about money."
Erich and Daniel meet up; put an end to alleged money issue
Erich and Daniel meet up; put an end to alleged money issue

MATTERS OF THE HEART. Hindi raw nakikialam si Jonas sa love life ng talents niya.

“Never naman kasi ako nakialam sa mga personal na bagay sa buhay nila.

“Off limits ako when it comes to the person they have a relationship with.

“Kaya kapag may naging problema, wala akong alam talaga.”

Dagdag pa ni Jonas, “Like, itong love life ni Pia [Wurtzbah] with Marlon [Stockinger], kilala ko si Marlon pero wala akong alam masyado sa mga plano nila sa buhay.

“As long as alam naman ni Pia ang mga priorities niya ngayon, okey kami.

“Ito ring kay Benjamin [Alves] at Julie Anne San Jose, sa totoo lang, hindi ko pa personal na nakikilala si Julie Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First time ko siyang ma-meet ay noong Miss Universe kasi kasama siya ni Benjamin.

“Sweet naman yung bata, pero hanggang doon pa lang ang pagkakakilala ko sa kanya.

“Hanggang hindi nagkukuwento sa akin ang mga ‘yan tungkol sa love life nila, hindi ako magtatanong.

“Ayokong masabihan na nakikialam ako.

“Kung ready silang magkuwento sa akin at may tiwala sila, I am ready to listen sa kanila.

“Hindi lang naman ako manager nila, I can also be their friend, mother, father, brother, sister, confidante o kung ano pa ang gusto nilang itawag sa akin.

“Parang mga anak mo na rin kasi ang mga talents mo, kaya dapat handa rin tayo na makinig sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN