Kylie Padilla all praises for fiancé Aljur Abrenica: "Nakikita ko na yung pagiging father niya."

IMAGE Noel Orsal

Masaya raw si Kylie Padilla sa kanyang pagdadalantao. Wala na rin daw siyang mahihiling pa sa fiancé niyang si Aljur Abrenica dahil sa pag-aalaga nito sa kanya.


Puring-puri ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang kanyang fiancé na si Aljur Abrenica at ang pagiging mature nito.

Pahayag niya, “Sobrang cute niya, kasi he’s really making an effort.

"Tsaka nakikita ko na yung pagiging father niya.

“Hindi lang yung pagiging lover, father na.

"And for a woman to see that in their partner, parang mas nakaka-in love."

Limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Kylie. Nakatakda siyang magsilang sa huling bahagi ng Hulyo o sa unang linggo ng Agosto.

Ang masaya pa niyang balita, halos sabay daw silang manganganak ng kapatid niyang si Queenie Padilla.

Dalawang linggo na ang nakararaan mula noong umuwi si Queenie sa Pilipinas kasama ang Pakistani husband nito.

Kuwento ng Encantadia actress, “We had a bonding day with them. And nakakatuwa 'coz we’re both pregnant.

“And we’re both the same… four days lang ang difference namin.

"So, siguro sabay kami manganganak, tingin ko.

"Sabi ko, 'Oh, my God, may playmate agad!'"

May pangalan na rin daw silang napili ni Aljur para sa kanilang anak, pero "secret pa."

Gusto raw sana ni Kylie na normal delivery ang paraan ng panganganak niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa launching niya bilang bagong endorser ng Watsons Switch and Save campaign, na ginanap sa Shangri-La Hotel, Makati City, nitong Huwebes ng hapon, March 16.

Bukod kay Kylie, kasama rin niyang humarap sa press ang ibang endorsers ng brand na sina Edu Manzano, Iya Villania, Christian Bautista, Tessa Prieto-Valdes, at Lorna Tolentino.


Stories We Are Tracking

Is Kylie's pregnancy being used for <em>Encantadia</em> promo?
Is Kylie's pregnancy being used for Encantadia promo?
Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie Padilla reveals parents' reaction to her pregnancy
Kylie Padilla reveals parents' reaction to her pregnancy
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting

SUPPORTIVE MOTHER-IN-LAW. Pagkapanganak, ayaw daw munang madaliin ni Kylie ang pagbabalik niya sa trabaho.

Aniya, “Ayoko kasing madaliin ang pagiging mother. I want to be a hands-on mom.”

Sa ngayon daw, hiniling na niya sa inang si Liezl Sicangco na umuwi ng Pilipinas sa Hulyo upang makasama niya sa kanyang pangananak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, wala namang masasabi si Kylie sa pagiging supportive ng stepmother niyang si Mariel Padilla.

Sabi ni Kylie, “She’s super supportive. She’s like, ‘Okay, lahat ng gamit na hindi na namin ginagamit, sa ‘yo na lahat.’

“’Okay, thanks,’ ayoko na ring gumastos.”

Isinasantabi muna nila ni Aljur ang usaping pagpapakasal dahil magpu-focus muna sila sa kanilang paparating na supling.

Sabi ng 24-year-old Kapuso star, “Actually, sa ngayon, AJ and I are thinking about our baby first. One by one.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN