Luis Manzano gives basher a dose of her own medicine; reveals her identity on Instagram

IMAGE Noel Orsal

Binuweltahan ni Luis Manzano ang isa niyang basher nang ilantad ng TV host-actor ang katauhan nito sa Instagram.


Niresbakan ni Luis Manzano ang isang basher nang ilantad niya ang katauhan nito.

Ayon sa report ng Inquirer.net, isang netizen ang nasampolan ng balik-banat ng Minute To Win It host noong Martes, March 14.

Sa isang Instagram post ni Luis ay nagpadala ng private message ang isang basher sa kanya.

Ang mensahe nito sa Kapamilya TV host-actor: “Ulol bakla ka.”


Hindi ito pinalampas ng anak nina Rep. Vilma Santos at Edu Manzano.

Ibinuking ni Luis ang katauhan ng basher sa pamamagitan ng pagpu-post ng screenshot ng Facebook account nito.

Ang pangalan ng netizen ay Joyce Torrechiva.

Pinuna rin ng Kapamilya star ang nakasulat sa profile ng basher na “God’s Child.”


Sabi ni Luis sa comment: “Swipe the pic!!! And this is why you never take bashers seriously, 99.9% of the time they have bible quotes, God’s princess, child of God etc etc on their profile… bakit kaya sila ganun… what do you think?”

Tila natauhan naman ang basher sa ginawang paglalantad sa kanya ni Luis kaya nagpadala muli siya ng mensahe kay Luis upang humingi ng kapatawaran sa ginawa niya.

Pahayag ng netizen, “I know ako ang mali siguro lesson ito na binash kita kahit di kita kilala personally

“sorry i know my mistake kaya ako tatanggapin ko na lang consequence ng ginawa ko”

“Sir sorry na po ang dami na nila nag pm [private messaging]

“lesson learned na ako

“galit nag pm na rin mga friends ko at asawa ko galit sakin”

Ni-repost ni Luis ang mensahe sa kanya ng basher at sinabi niya sa comment:

"So the lady has apologized. all good with me. will take down post in a few."


At kalaunan ay binura na ni Luis ang Instagram post niya tungkol sa basher.

Kung ang ibang artista ay nananahimik o hindi na lang pinapansin ang mga negatibo at nakakasirang komento, si Luis ay hayagang pumapatol at minsan pa nga ay nakikipagmurahan sa kanyang bashers, lalo na kung hindi naman totoo ang sinasabi tungkol sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Luis Manzano reaffirms stand on engaging bashers
Luis Manzano reaffirms stand on engaging bashers
Luis Manzano explains why he prefers to engage his bashers
Luis Manzano explains why he prefers to engage his bashers
Luis Manzano won't back down from bashers
Luis Manzano won't back down from bashers
Who did it better: Luis or Jack?
Who did it better: Luis or Jack?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN