Ronnie Alonte sees no competition with Joshua Garcia as Julia Barretto's loveteam partner

IMAGE Instagram @shameesugie / Noel Orsal

Ronnie Alonte on Julia Barretto's teamup with Joshua Garcia: "Meron naman akong nabuo na fan base sa amin ni Julia and sobrang saya ko, and hindi ako nakikipagkumpitensiya sa kanila."

 


Isa sa mga naging hiling ni Ronnie Alonte noong nakaraang Pasko ay maging matagumpay ang love team nila ni Julia Barretto.

Nagkaroon naman ito ng katuparan sapagkat tinangkilik ng publiko ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 entry na Vince & Kath & James, na pinagbidahan ng love triangle nina Ronnie, Julia, at Joshua Garcia.

Pagkatapos ng Vince & Kath & James ay pinagtambal muli sina Ronnie at Julia sa ABS-CBN primetime series na A Love To Last.

Ngunit hindi nagpapahuli ang tambalan nina Joshua at Julia, ang JoshLia, dahil patok din sa fans ang kanilang tambalan.

Kamakailan nga ay naging tampok ang JoshLia sa isang episode ng weekly drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Nakakaramdam ba ng kumpetisyon si Ronnie sa pagitan ng love team nila ni Julia at ng JoshLia?

Mabilis na sagot ng 20-year-old actor, "Wala, wala.

"Kasi noong una naman, tinanggap ko na una pa lang na sila talaga iyong love team sa Vince & Kath & James."

Naging malapit na magkaibigan na rin daw silang tatlo.

Dagdag pa nito, "Sabi ko, kung bigyan man ako ng work kay Julia, eto na nga sa A Love To Last, gagawin ko pa din iyong best ko na kahit alam kong meron na silang fan base.

"So, di naman ako nabigo, meron naman akong nabuo na fan base sa amin ni Julia.

"And sobrang saya ko and hindi ako nakikipagkumpitensya sa kanila."

May nakikita ba siyang disadvantages sa pagkakapareha niya kay Julia o sa kahit kaninong may nabuo nang love team?

Ayon kay Ronnie, "Unang-una, mahirap. Mahirap kung tanggap ka ba nila or hindi.

"Kagaya nung iba, bina-bash ako kasi di nila ako tanggap, kasi nga, may JoshLia na silang nabuo."

Pabirong dagdag niya, "Happy naman ako doon kasi kahit papaano nakakapang-asar ako.

"Napapansin din nila ako, na kahit galit sila sa akin, alam ko namang may kaunting puso sila para sa akin kahit papaano bilang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Hashtags member nang ipakilala siya bilang bahagi ng Club Penshoppe PH, na ginanap sa Makati Diamond Residences kahapon, Marso 16.

BLESSED. Makukunsidera raw ni Ronnie na sobrang blessed siya sa unang bahagi ng 2017.

"Sa totoo lang, hindi ko talaga ini-expect itong 2017, kasi akala ko ibinigay na lahat noong 2016, bago matapos iyong taon."

Matatandaang nakasali sa Metro Manila Film Festival ang dalawa pelikula na pinagbidahan ni Ronnie, ang Vince & Kath & James at Seklusyon.

Naganap din sa KIA Theatre ang kauna-unahang major concert ng tinaguriang "Kilig King" noong Disyembre 17.

Patuloy ni Ronnie, "Sabi ko, 'Ano kayang mangyayari sa akin sa 2017? ' Nagulat ako.

"Para sa akin, hindi pa nalalagpasan iyong last year, pero parang sumasabay na din."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN