Vivian Velez joins rally for Vice President Leni Robredo's impeachment, resignation

IMAGE Facebook of Vivian Velez

Sumali ang beteranang aktres na si Vivian Velez sa grupo na nanawagan sa pagre-resign ni Vice President Leni Robredo sa kanyang puwesto. Bukod pa rito, nanawagan din siya sa mga mambabatas na sampahan ng impeachment complaint ang pangalawang pangulo ng bansa.


May ilang grupo at indibidwal na nanawagan sa pagbitiw sa tungkulin ng incumbent Vice President na si Leni Robredo.

Kabilang sa mga masugid na sumusuporta sa pagtatanggal sa posisyon ni VP Leni, sa pamamagitan ng impeachment, ay ang aktres na si Vivian Velez.

Nag-ugat ang panawagang ito matapos mag-submit ng video message si VP Robredo sa United Nations kunsaan kinondena niya ang extra-judicial killings (EJKs) sa bansa.

Sa nasabing video ay sinabi nitong 7,000 na diumano ang biktima ng EJKs sa bansa.

Ang isa pa niyang isinambulat ay ang diumano’y ginagawa ng pulisya na “palit-ulo” scheme, kunsaan ang hinuhuli diumano ng mga awtoridad kapag wala ang suspect na kanilang hinahanap ay ang miyembro ng mga pamilya nito.

Pinalagan ito ng Philippine National Police (PNP) dahil hindi raw muna humingi ng pahayag si VP Robredo sa kanila bago ito naglabas ng statistics tungkol sa diumano’y “palit-ulo” scheme.

Sa pagsasampa naman ni Magdalo Representative Gary Alejano ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa House of Representatives nitong nakaraang Biyernes, March 17, umugong ang balitang bahagi ito ng destabilisasyon sa gobyerno ng pamahalaang Duterte.

Ayon pa sa mga ulat, baka raw may kinalaman ang bise presidente sa hakbang na ito kaya lalong nagalit ang Duterte supporters, kabilang na si Vivian.

Nitong Linggo, March 19, sumama si Vivian sa maliit na grupo na paalisin na sa puwesto ang Vice President sa pamamagitan ng impeachment o pagre-resign nito sa kanyang posisyon.

Nag-rally ang kanilang grupo sa harap mismo ng opisina ng pangalawang pangulo sa Quezon City.

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Vivian ng ganitong mensahe: "We can start small. Remember, revolutions were started by a small group of patriots. We can start where we are with our family, relatives and friends.

“Never despise a small beginning. Remember, the flap of a butterfly can create a tornado. We just have to continue to love our people and believe that we are doing this for them. And by the grace of God, we can succeed."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinamahan niya ito ng hashtags na: “#ImpeachLeni #LeniResign #RG4Duterte #LeniLayas.”

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na walang sapat na basehan upang sampahan ng impeachment complaint ang vice president.

Para naman kay Pangulong Duterte, nasa demokrasyang bansa naman daw tayo kaya welcome development ang naging hakbang ni Vice President Robredo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN