Jak Roberto flattered by attention to his topless photos

IMAGE From Instagram account of Jak Roberto

Jak Roberto admits to being flattered reading comments about his topless photos in his social media accounts: "'Di ba po, sa social media, may candid photos ako na naka-topless? Usually, ang mga nagku-comment, either gays or girls. Doon po ako nakakabasa na, kumbaga, pantasya nila sa isang guy."


Nagbiro ang Kapuso hunk na si Jak Roberto na "nakaka-offend" na wala raw mga bading na nagpapakita ng interes sa kanya.

"Totoo po, nakaka-offend nga!" tawa niya.

Pero dagdag ni Jak, "Hindi, biro lang po. Pero wala, wala po talaga."

Alam din naman daw ni Jak na sa showbiz, palaging nakokonek ang mga artistang lalaki na kung hindi bading, napag-iisipan naman na may karelasyong bading.

Sa social media raw siya nakakabasa ng mga ganyang pagpapakita ng interes sa kanya.

"Di ba po, sa social media, may candid photos ako na naka-topless?

“Usually, ang mga nagku-comment, either gays or girls.

“Doon po ako nakakabasa na, kumbaga, pantasya nila sa isang guy."

Lalo na ang abs niya?

"Yun po, yun ang sinasabi nila," nakangiti niyang sabi.

Nakaka-flatter o nao-offend siya?

Sagot ni Jak, "Hindi naman po. Mas masama kung walang nakaka-appreciate.

“Ibig sabihin, wala kang appeal.

“The fact na may nagku-comment, nakakatuwa naman po."

LOVELESS. Ayon kay Jak, limang taon na siyang walang karelasyon o girlfriend.

Limang taon na rin siya sa showbiz.

Base sa kanyang pag-amin, parang mahirap yata paniwalaan na sa loob ng limang taon ay hindi siya nagkaroon ng girlfriend?

Saad ng Meant To Be star, "Before pong mag-showbiz, may girlfriend po ako.

“Mahirap po kasi lalo na nasa probinsiya po ako, di ba?

“Noong lumipat naman po ako ng Manila, wala naman po akong mga kakilala.

"Nag-focus na lang po ako sa work muna.

"And then, sabi ko, later on na lang siguro kapag nakahalubilo na… kung saan man ako mapunta, kung may makilala ko.

“Hindi po kasi ako naghahanap, kusa na lang dumarating yun.

Mahirap po yung hinahanap pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN