Nadine Lustre connects with Kathryn Bernardo; James Reid wowed by Sarah Geronimo

IMAGE Nerisa Almo

Fans of Nadine Lustre and Kathryn Bernardo are hopeful their idols will become good friends. Meanwhile, James Reid had a ball with Sarah Geronimo in ASAP, he now says, "Project with her? Of course, yeah, definitely."


Marami ang natuwa sa pagpapalitan ng tweets ng Kapamilya stars at sinasabing rivals na sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo. 

Unang nagkasama ang dalawa nang pinakilala si Kathryn bilang bagong endorser ng Pond’s, kung saan naunang naging endorser si Nadine.

Marami sa fans ng dalawa ang umaasang simula na ito ng mabuting pagkakaibigan nila.

Pahayag ni Nadine tungkol dito, “In the first place, wala naman talaga kaming problema, wala namang issue, okay naman kami.
   
“Actually, hindi kami nagkausap nung Pond’s kasi medyo magkakahiwalay kami ng segments nun.

“Nagkita na lang kami dun sa stage na mismo, so parang ang bilis, madaming tao.”

KIDS’ CHOICE. Samantala, masayang-masaya at thankful si Nadine sa pagkapanalo niya bilang Favorite Pinoy Star sa Nickelodoen Kids' Choice Awards 2017.

Aniya, “Nasa shoot ako nung in-announce nila. 

“Siyempre, super happy, pero parang mas super happy yung mga Jadine fans.

“We’re sharing the orange blimp.”

Lahad pa ni Nadine, “I’m happy, like yung orange blimp na yun, bata pa lang ako, nakikita ko na yun sa Nickelodeon.

“Kasi palagi akong nanonood ng Nickelodeon when I was younger, parte na siya ng childhood ko.
     
“Thanks, guys, for voting. Maraming-maraming salamat.

“Hindi ako mananalo kundi yun dahil sa inyo.

“Maraming nagpuyat, maraming di pumasok para lang bumoto.

"So, maraming-maraming salamat.”

FUN WITH SARAH. Proud din si James Reid sa karangalang natamo ng kasintahan.

“I’m happy for her, actually nominated din ako dati diyan.

“But, of course, hindi ako nanalo. I’m happy for her.”  

Sa kabilang banda, nag-trending naman ang collaboration nina James at Sarah Geronimo sa ASAP kamakailan.

Sabi ni James, “It was unexpected how much attention it got, I just really had a lot of fun.

“It’s Sarah G… Project with her? Of course, yeah, definitely.”
 
Gannon din daw si Nadine.

“Of course, actually gustung-gusto kong makatrabaho si Ate Sarah, sobra.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parehong Viva artists sina Sarah, James, at Nadine. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN