Lolit Solis reveals the late Rudy Fernandez's big role in her reconciliation with Piolo Pascual

IMAGE Noel Orsal

Bago pa man sila nagkita sa isang presscon kahapon, March 20, matagal nang nagkaayos ang nagkaalitang sina Lolit Solis at Piolo Pascual. At malaki raw ang naging papel ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez sa pagkakasundo nila, ayon kay Manay Lolit.


Nilinaw ng talent manager-TV host na si Lolit Solis na matagal na silang nagkaayos ni Piolo Pascual, bago pa man sila magkita sa presscon ng bagong pelikula ng aktor, ang Northern Lights: A Journey To Love, nitong Lunes, March 20.

Ayon kay Lolit, nagkita na sila ni Piolo noong June 2008 sa burol ng pumanaw na aktor na si Rudy Fernandez sa The Heritage Memorial Park, Taguig City.

Ikinuwento ni Lolit na kasama noon ni Piolo ang ina nitong si Amy nang makiramay ang aktor sa naulilang pamilya ni Rudy, at siya ang naghatid sa mag-ina sa mauupuang silya.

Si Lolit ang talent manager ng namayapang aktor.

Si Rudy rin ang naaalala ni Manay Lolit nang magkita sila ni Piolo sa presscon ng Northern Lights dahil natandaan niya ang sinabi ng yumaong aktor sa kanya noong nabubuhay pa ito.

“Ang sabi ni Rudy, ‘Kung wala naman magagawang mabuti sa buhay mo, bakit mo pa sinasaktan yung loob ng ibang tao?’”

Bilib din daw si Manay Lolit sa kabaitan ni Piolo at sa mga positibong pananaw nito sa buhay.

Kasama si Lolit sa mga miyembro ng entertainment press na pinasalamatan ni Piolo sa presscon ng Northern Lights dahil sa patuloy na suporta sa kanya kahapon.

Pahayag ng Kapamilya actor, “Masaya po ako dahil nakasama ko kayong lahat sa lakbay ko dito.

“Maraming-maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta.

“Kung meron man tayong pagkakamali, pasensiya na lang.

“Sana masaya lahat. Sana suportahan natin ang pelikulang Pilipino kasi para sa atin ito.”

Noong October 2007 ay idinemanda ni Piolo at ng kapwa niya ABS-CBN star na si Sam Milby si Lolit dahil isinulat nito sa kanyang column na "Take It! Take It!", na lumabas sa Pilipino STAR Ngayon.

Ayon sa report ni Lolit, nakita niyang magkasama ang dalawang Kapamilya stars sa poolside ng Sofitel Hotel at nagpapakita raw ng kakaibang "sweetness" sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalaunan ay humingi ng paumanhin si Lolit, ngunit hindi niya binawi ang kanyang isinulat.

Read: Lolit Solis apologizes to Sam and Piolo but refuses to retract article

Dahil dito ay nagsampa ng reklamo sina Piolo at Sam laban sa dating Startalk host.

Read: FIRST READ ON PEP: Piolo Pascual and Sam Milby file libel case against Lolit Solis

Ngunit noong May 2008 ay iniurong din ng dalawang Kapamilya stars ang kanilang demanda laban kay Lolit.

Read: Piolo Pascual and Sam Milby drop libel case against Lolit Solis


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN