Arci Muñoz dismisses rumored romance with Daniel Matsunaga

IMAGE Noel Orsal

Arci Munoz on birth of Darci loveteam: "Nakakatuwa, natuwa ako na mayroon na silang sariling parang fan page. Sobrang thankful namin sa mga nanonood, Team Darci, thank you so much, ha."


Marami ang tumutukso ngayon sa Kapamilya stars na sina Arci Muñoz at Daniel Matsunaga.

Bukod sa parehong celebrity candidates sa bagong ABS-CBN reality-competition show na I Can Do That, pareho ring single ngayon ang dalawa.

Si Arci ay hiwalay na sa kanyang longtime boyfriend na si Badi del Rosario, habang si Daniel naman ay break na sa aktres na si Erich Gonzales.

Ngunit iginiit ni Arci na malabong magkaroon sila ng relasyon ni Daniel sa ngayon.

Paliwanag ng aktres, “Hindi, mayroon kaming kontratang piniramahan.

“May kontrata kami na hindi kami puwedeng pumasok sa isang relasyon starting nung March 10.

“Kailangan six months kaming single.

“Apat kaming pumirma dun, kasama si Dandan, kaya hindi kami puwede talaga.”

Pero nagpapasalamat si Arci sa fans ng Darci o Daniel-Arci tandem na nabuo sa I Can Do That.

Sabi niya, “Oo nga, e, nakakatuwa, natuwa ako na mayroon na silang sariling parang fan page.

“Sobrang thankful namin sa mga nanonood, Team Darci, thank you so much, ha.” 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Arci sa set ng I Can Do That noong Huwebes, March 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN