Kiefer Ravena's alleged photo scandal leaked online

IMAGE @kieferravena15 on Instagram

Nananatiling tahimik ang basketbolistang si Kiefer Ravena tungkol sa diumano'y nude pictures niyang kumakalat ngayon sa social media. Hinihintay ng marami niyang fans ang kanyang paliwanag tungkol dito. 


Inuulan ngayon ng batikos ang basketball star na si Kiefer Ravena dahil sa diumano’y ‘sexting’ na ginawa nito sa isang hindi pa nakikilalang babae sa Viber.

Ang 'sexting,' ayon sa Wikipedia, ay bagong termino na tumutukoy sa pagpapadala, pagtanggap, pagpu-forward ng "sexually explicit messages, photographs or images" gamit ang mobile phones, computer o anumang digital device.

Nitong weekend, kumalat sa social media ang dalawang screenshot ng diumano’y Viber conversation at photo collage ng Alab Pilipinas player.

Kabilang sa photo collage ang close-up shots ng mukha at ng diumano'y maselang bahagi ng katawan ng basketbolista.

Makikita sa itaas ng screenshots ang pangalang "Kiefer Ravena."

Sa palitan ng mensahe ay makikita naman ang profile pic ng Viber account ni Kiefer, kung saan kasama niya sa larawan ang girlfriend na si Alyssa Valdez.

Base sa kumalat na Viber conversation, nakikiusap si Kiefer sa ka-chat na "tanggalin" na nito ang hindi niya tinukoy na bagay "para walang gulo."

Wala rin daw "niloloko" ang basketbolista.

Tinanong pa ni Kiefer ang ka-chat kung ano raw ba ang kailangan nito.

Sagot ng kausap nitong babae: "Stop messaging me."

Pagkatapos nito ay muling nakiusap si Kiefer na tanggalin na ang tinutukoy niya at humingi pa ng tawad: "sorry na please."

NETIZENS ATTACK. Sa kanyang Instagram account, maraming mga tagahanga ni Kiefer ang nagpahayag ng pag-aalala kaugnay ng balita tungkol sa kanilang idolo.

Umaasa rin ang iba na sana ay hindi ito totoo.





May ilan ding bashers na hindi nilubayan ng mga masasakit na salita ang dating star player ng Ateneo Blue Eagles.




Mayroon ding isang fan na nawalan na raw ng gana sa basketbolista.


Pati sa Instagram account ng girlfriend ni Kiefer na si Alyssa Valdez ay may mga nagkomento na rin tungkol sa isyu.

Ngunit parehong nananatiling tahimik sina Kiefer at Alyssa.

Nagpadala na ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kiefer, sa pamamagitan ng Instagram, para sa kanyang maaaring maging pahayag sa kontrobersiyang kinasasangkutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humingi na rin kami ng statement mula sa Asian Artist Agency, ang namamahala ng career ni Kiefer, pero hanggang ngayon ay wala pa silang tugon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN