Julia Barretto grateful for unexpected love team with Joshua Garcia

IMAGE Noel Orsal

Julia Barretto on her loveteam partners Joshua Garcia and Ronnie Alonte: "I'm so glad that despite of all our differences, we find something in common and we all get along.


Pareho raw hindi inaasahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia na marami ang magkakagusto sa love team nila.

Matapos ang kanilang romantic-comedy movie kasama si Ronnie Alonte, ang Vince & Kath & James, nabuo ang love team na tinatawag ngayon ng fans na JoshLia.

Para kay Joshua, hindi nila naisip na mangyayari ito nang ginawa nila ang pelikula.

Aniya, “Ano kasi 'yan, e, hindi mo talaga masasabi yung mga mangyayari.

“Mangyayari na lang talaga siya.

“Walang plano-plano na ganito ang mangyayari, na may love team.”

Sa parte naman ni Julia, malaki ang pasasalamat nila sa fans na susumuporta sa kanila ni Joshua bilang magka-love team.

Pahayag niya, “So grateful, so unexpected. We both just waited for this time to come.

“We can't believe that it's here. It's nice to share it with somebody.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sina Joshua at Julia matapos silang maipakilala bilang bagong endorsers ng Jollibee Yum Burger, nitong Martes, March 21.

ON HAVING TWO PARTNERS. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na dalawa ang kasalukuyang ipinapareha kay Julia.

Bukod kay Joshua, ka-love team din ni Julia si Ronnie Alonte ngayon sa ABS-CBN primetime series na A Love To Last.

Ayon kay Julia, magkaiba ang dalawang Kapamilya stars na naipapareha sa kanya ngayon.

“Of course, the two boys are very different from each other.

“But I'm so glad that despite of all our differences, we find something in common and we all get along and we all work so well together.

“There are times when it gets hard.

“But as much as possible, whatever time to shine with Joshua, we work hard in that opportunity or chance.

"And whatever chance Ronnie and I get to shine naman together, we also do our best.

“It's nice because it's very balanced, it's very fair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We're all friends and that's what's important.”

Sa ngayon, ayaw muna nilang isipin kung aling love team ang mas maraming followers.

Katuwiran ni Julia, “There are certain things that are out of our control and there are certain things that we can't control.

“Like your question, wala na sa control namin ni Josh yun.

“So, what's left for us to do is to thank people for supporting us, may it be with Ronnie or with Joshua... very, very grateful.

“We hope that they don't give up on us on this crazy journey, crazy adventure, crazy everything.”

Dagdag naman ni Joshua, “And gawin ang best para sa kanila.”

Sa hiwalay na panayam kay Ronnie kamakailan, sinabi niyang hindi siya nakararamdam ng kumpetisyon sa isa pang love team partner ni Julia na si Joshua.

Sabi pa niya, “Sobrang saya ko and hindi ako nakikipagkumpitensiya sa kanila.”


Stories We Are Tracking

Ronnie sees no competition with Joshua as Julia's partner
Ronnie sees no competition with Joshua as Julia's partner


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN