Angel Locsin is "The Best Darna eveeerrrr" for Pokwang

IMAGE Noel Orsal (Pokwang) / Facebook (Angel)

Pokwang's message to Angel Locsin about news that the latter will no longer play Darna: "Sobrang nakakalungkot para sakin ikaw ang forever na Darna."


Tinawag na "Best Darna ever" ni Pokwang si Angel Locsin, kasunod ng balitang hindi na matutuloy si Angel na gumanap muli na Pinay superhero na isasapelikula ng Star Cinema.

Sa kanyang Instagram account, ipinahayag ni Pokwang ang kanyang kalungkutan sa balitang hindi na si Angel ang gaganap na Darna, na dati na nitong ginampanan sa fantaserye ng GMA Network noong 2005.

Pero ayon kay Pokwang, mas importante na unahin ni Angel ang kanyang kalusugan.

“Kung totoo nga na hindi na ikaw ang gaganap na bilang Darna sobrang nakakalungkot para sakin ikaw ang forever na Darna.

“[P]ero mas importante ang kalusugan mo @therealangellocsin”

Ang muling pagsakit ng likod ni Angel ang itinuturong dahilan kung kaya’t nagdesisyon ang aktres at ang ABS-CBN na tuluyan na nitong bitawan ang role.

Sumailalim sa operasyon si Angel noong 2015 dahil sa kanyang disc bulge.

Dugtong pa ni Pokwang, magkaroon man ng bagong Darna ay mananatiling “The Best Darna eveeerrrr” para sa kanya si Angel.

Sa comments section naman ng post ay nagpalitan ng mensahe sina Angel at Pokwang.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN