Mocha Uson radio program to be cancelled for crass attacks against VP Leni Robredo?

IMAGE Cyrus Panganiban for YES!

Mocha Uson justifies her attacks against VP Leni Robredo: "Hindi ko po ginamit yung show... Yung nababasa niyo po sa blog at sa show, yun po ang pulso ng taumbayan." However, she does not deal with the laws against libel, which she violates.


Wala pa kaming nakukuhang kumpirmasyon mula sa Manila Broadcasting Company, pero may nakuhang impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tatapusin na ang programa ni Mocha Uson sa DZRH News Television.

Hinihintay na lang namin ang announcement mula sa pamunuan ng MBC kung totoong hanggang Sabado, March 25, na lang nga ba ang programang Mocha Uson Blog: Boses ng Ordinaryong Mamayang Pilipino ni Mocha.

Marami ang nag-react sa huling episode niya noong nakaraang Sabado, March 18, kung saan nagbitaw ito ng matinding pambabatikos laban kay Vice President Leni Robredo.

Nagmura ito at tinawag niyang “fake VP,” “tanga,” at “bobo.”

Sinabihan pa niyang “bumili ng utak” ang bise presidente ng bansa.

May mga nagpadala ng liham sa pamunuan ng MBC na nagpapahayag ng pagkadismaya sa inasal ni Mocha sa kanyang programa.

Nakausap ng PEP si Mocha sa tanggapan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa may Timog Avenue, Quezon City, kahapon, March 22.

Wala pa raw siyang alam kung ano ang desisyon ng istasyon.

Saad ng MTRCB board member, “Magmi-meeting po sila ng manager ko.

“Wala pa po akong alam. Pero magmi-meeting sila this week, dun ko pa lang po malalaman yung mga gagawin.”

Itinanggi ni Mocha na ginamit niya ang sariling programa para batikusin si VP Robredo.

Pahayag ng avid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, “Hindi ko po ginamit yung show.

“Actually, mas malala pa nga po diyan ang comment ng mga netizens, e.

“Hindi ko po ginamit yung show. Kung ano yung mainit na isyu, yun yung pag-uusapan.

“Yung nababasa niyo po sa blog at sa show, yun po ang pulso ng taumbayan.

“Ngayon, yung ano po na mga negativity, yung mga sinasabi ni Leni at ginagawa nila, yun dapat ang negative po dun.”

Mukhang hindi alam ni Mocha na ang pag-uulit ng mga salitang naninira sa katauhan ng isang tao ay nagiging paninira rin ng nang-uulit ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng pambabatikos ni Mocha kay Robredo sa kanyang Facebook blog, nananatiling tahimik ang Vice President at hindi siya pinapatulan nito.


Stories We Are Tracking

Mocha's Twitter account suspended; blames Leni supporters
Mocha's Twitter account suspended; blames Leni supporters
Robredo not bothered by Mocha's attacks against her
Robredo not bothered by Mocha's attacks against her
Mocha Uson wants Leni Robredo to also resign from VP post
Mocha Uson wants Leni Robredo to also resign from VP post

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN