UPDATED: Ellen Adarna stands by accusations against Cebu City mayor's son

IMAGE Facebook photo of Ana Gabriela Beatriz Osmeña (left)/Facebook photo of Ellen Meriam Adarna (right)

"You can fabricate the truth all you want but people know who you really are," says Ellen Adarna (right photo) about Miguel Osmeña (left photo, with wife Bea Osmeña), son of Cebu City Mayor Tommy Osmeña.


Muling naglagay ng Facebook post si Ellen Adarna laban kay Miguel Osmeña, anak ni Cebu City Mayor Tommy Osmeña.

Nagkapalitan ng pahayag ang dalawa kahapon, March 22, bunga ng sinabi ni Mayor Osmeña tungkol sa “spoiled brats” ng Cebu.

Ito ay kaugnay ng isang road-rage incident sa Cebu City kamakailan, na kinasangkutan ni David Lim Jr., pamangkin ni Peter Lim, isang alleged Visayan drug lord.

Dito sinabi ni Mayor Osmeña patukoy sa tinawag niyang mga "spoiled brats": "You are nothing special. No matter who you are, whether you are Ayala or Henry Sy, I don't give a shit. If you commit a crime here, I will run after you. Whether you are David Lim, Peter Lim or David Lim, Jr., it does not matter to me." 

Kinutya ni Ellen ang pahayag na ito ni Mayor Osmeña.

ELLEN'S POST. Kinonekta ng sexy star ang pahayag ni Mayor Osmeña kay David Lim Jr. sa isang insidenteng nangyari umano walong taon na ang nakalilipas, kung saan sangkot daw ang anak ng mayor na si Miguel.

Tahasang tinawag ni Ellen si Miguel na "BRAT."

Sa tinutukoy na insidente ni Ellen, nagkaroon umano ng away sa pagitan nina Miguel, ang kaibigan ni Ellen na si Samantha Benitez, at si Ellen mismo. 

Sa insidenteng ito, nakaranas daw sina Ellen at Samantha ng pagbabanta kay Miguel.

Ayon pa rin kay Ellen, binaril umano ni Miguel ang digital camera ni Samantha.

Sa kanyang FB post ng Marso 22, pinost ni Ellen ang screenshot ng isang digicam na nabutas dahil sa posibleng tama ng baril.

Kasama nito ay pinost din ni Ellen ang umano'y text message ni Miguel noong 2009:"The next time that has to happen Sam, the bullet goes through your head."

Sa text message ay walang pangalan ng nagpadala, ngunit merong numerong lumabas: +639081594520.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang naturang awayan sa pagitan nina Miguel, Samantha, at Ellen ay nailathala sa pahayagang The Freeman noon ring taong iyon.

MIGUEL'S POST. Sa isang mahabang FB post noong Marso 22 din, sumagot si Miguel, gamit ang FB account ni Ana Gabriela Beatriz Osmeña, ang kanyang misis.

Ang post ni Miguel ay nirepost naman ni Mayor Tommy Osmeña sa sariling FB account nito noong Marso 22 din.

Giit ni Miguel, hanggang ngayon ay wala pa ring matibay na ebidensiya ang kampo ni Ellen at ng kaibigan niyang si Samantha para patunayan ang akusasyon laban sa kanya.

ELLEN'S OPEN LETTER. Nang makausap si Ellen ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, tumanggi siyang magbigay ng karagdagang pahayag.


Stories We Are Tracking

Ellen digs up old harassment issue vs Cebu City mayor's son
Ellen digs up old harassment issue vs Cebu City mayor's son

Ngunit ngayong Huwebes ng tanghali, Marso 23, isang open letter ang ipinost ni Ellen sa kanyang Facebook account.

Addressed ito kay Miguel.

Dito, sinabi ng sexy star kung bakit nag-react siya sa pahayag ni Mayor Osmeña:

“I couldn’t stand the hypocrisy and the power tripping.”

Kay Miguel, sabi ni Ellen: “You’re so self-righteous. You act as if you’ve done nothing wrong, like you’re an angel. But you’re not. You are a coward.”

Diin pa niya sa huling bahagi ng open letter: “You can fabricate the truth all you want but people know who you really are.

“People know WHAT you really are and what you’re capable of; and no amount of PR, fake accounts, or Facebook bots can change that.”

Matapos ng rant, sinundan ito ni Ellen ng paghingi ng paumanhin sa mga taong nadamay sa isyu.

“I’m sorry to those who’ve been brought into this.”

Hindi naman niya tinukoy kung sino-sino ang mga ito.

Sinabi ni Ellen sa PEP.ph na ito na ang huli niyang pahayag tungkol sa isyung ito.

Sinubukan ng PEP.ph hingan ng komento si Miguel tungkol sa open letter ni Ellen sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe sa Facebook Messenger kanina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hanggang ngayon ay wala pa kaming natatanggap na sagot.

Mananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ni Miguel at ng iba pang nabanggit sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN