Beauty Gonzalez starts preparing for her wedding to Norman Crisologo

IMAGE Beauty Gonzalez Instagram

Beauty Gonzalez got engaged in a hotel in Ilocos Norte that she describes as "love na love ko." Not only did her fiancé Norman Crisologo propose to her in a choice setting, she related, "Gusto niya na nandun ang mga friends namin na alam yung story naming dalawa."


Ibinahagi ni Beauty Gonzalez ang ilang detalye sa kanyang engagement at wedding plans nila ni Norman Crisologo.

Ayon sa Kapamilya actress, “Malapit-lapit na, anytime this year.

“I’m already preparing, okay naman, ako ang pinaka-cool na bride."

Sa Ilocos Norte nangyari ang proposal ni Norman kay Beauty.

Kuwento ni Beauty, “Mayroon kasing hotel na love na love ko, dati, sabi ko, dito na lang ako magpapakasal.

“E, imposible naman na dadalhin namin lahat ng guests dun, ang gastos.

“Ang ginawa niya, dun na lang siya nag-propose. I had a feeling already.”

Pero nagulat pa rin daw si Beauty na nandun ang mga friends niya, kabilang sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

“Siyempre, yung mga sinabi ni Norman, ang pangit nga ng iyak ko dun, e.

“Kainis pa itong si Ellen, yung pinost yung pangit yung mukha ko!” 

Longtime friends daw ng fiancé niyang si Norman sina John Lloyd at Ellen, kaya magkakasama sila sa isang beach resort sa Ilocos Norte.

“That time kasi na nag-propose siya, gusto niya na nandun ang mga friends namin na alam yung story naming dalawa.

“Nothing naman,” sabi pa ni Beauty, na ang tinutukoy ay ang pagli-link kina John Lloyd at Ellen matapos lumabas ang mga litrato nila na kuha sa Ilocos.

SECOND CHANCE. Aminado si Beauty na nung nabuntis siya sa gitna ng show na Ningning ay nagkaroon siya ng takot at pangamba na baka hindi na siya tanggapin at makabalik sa showbiz.

Si Norman daw ang nagpapalakas ng loob niya.

“Yeah, of course, there are fears, lalo na tumaba ako nang todo.

“Ang dami kong iniisip, pero sabi nga ng boyfriend ko... fiancé ko na pala, 'Good things happen to good people.'"

Sa ngayon nga ay magsisimula muli si Beauty sa isang serye sa Kapamilya network.

Sabi niya, “Thank you talaga, buti na lang okay pa ako sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya and grateful, malaki ang pasasalamat ko sa ABS.

“Di ko akalain na makakabalik uli ako kasi nabuntis ako in the middle of the show.”
 
Ayon pa sa aktres, wala naman siyang pagsisisi sa pagbubuntis nang wala sa panahon.

“No regrets, I mean, nakita ninyo naman ang anak ko, wala akong regret.

“I feel bad kasi may show ako, yung professionalism ko nasira.

“Pero natutuwa naman ako na naintindihan ng ABS, ngayon binibigyan nila uli ako ng chance.

“Kailangan ko patunayan na I deserve this chance.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN