Leila Alcasid all praises for stepmother Regine Velasquez

IMAGE Instagram

Leila Alcasid on stepmom Regine Velasquez: "She's become obviously like a mother figure to me since I've been here. She's helping me grow in this stage in my life and I love her very much. Very wonderful person."


Puring-puri ni Leila Alcasid ang kanyang stepmother na si Regine Velasquez.

Si Leila, 19, ay ang panganay sa dalawang anak ni Ogie Alcasid sa una nitong asawa na si Michelle Van Eimeren.

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Leila at nakatira sa poder ng kanyang ama, kasama ang kanyang stepmother na si Regine at stepbrother na si Nate.

“We’re very close. She’s a very generous person, very understanding person,” paglalarawan ni Leila sa Asia’s Songbird, nang mag-guest ang dalaga sa Tonight With Boy Abunda nitong Huwebes ng gabi, March 23.

Dahil malayo sa kanyang ina, na naninirahan sa Australia, sinabi ni Leila na ginagampanan ni Regine ngayon ang pagiging ina sa kanya.

“Especially when I was first coming here, she [Regine] knew that I would obviously be missing my mom a lot, 'coz my mom and I are like best friends.

“So, she’s become obviously like a mother figure to me since I’ve been here.

“She’s helping me grow in this stage in my life and I love her very much. Very wonderful person.”

Sa kabila nito, nasangkot na rin sa isyu sina Regine at Leila.

Noong February 2017 ay ikinagalit ng fans ng Asia's Songbird ang pagtawag ni Leila sa kanya bilang “PA” o (personal assistant) sa isang Instagram post.

Pero nagpaliwanag si Regine na biruan nila iyon ni Leila at siya ang nagpasimuno sa pagiging "PA" niya kay Leila.


Stories We Are Tracking

Regine Velasquez defends Leila from bashers over
Regine Velasquez defends Leila from bashers over "PA" post
Ogie reveals Regine and Leila cried over
Ogie reveals Regine and Leila cried over "PA" issue

Dumating sa Leila sa bansa noong January 2017 at inaasahang mananatili sa Pilipinas sa loob ng isang taon.

Sa kasulukuyan, katatapos lang ni Leila sumailalim sa acting workshop.

Pahayag niya, “I really like acting.

“It’s weird for me because I would have never thought of it before back in Australia. I was not into arts in that kind of way.

“It was surprising for me, but then I came here, took workshops and stuff and I really love it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MICHELLE VISITS LEILA. Samantala, dumating sa Pilipinas kamakailan ang ina ni Leila na si Michelle, kasama ang nakababatang kapatid niyang si Sarah.

#dessert

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

My girls ♥?

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

Sa Instagram account ni Ogie, nag-post siya ng larawan kasama ang kanyang pamilya at si Michelle.

Nakatakdang lumipad pabalik ng Australia si Michelle ngayong Biyernes. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN