Upcoming sexy star Kara Mitzki on Ellen Adarna: "Tingin ko, mas sexy naman po ako kay Ellen."

IMAGE Miss KARA Mitzki on Facebook

Newbie Kara Mitzki: "Kung public figure tayo, dapat ang image natin, siyempre dapat nakaka-inspire rin tayo ng mga kabataan. Unang-una, hindi po ako lasengga. Hindi po ako nagbibisyo. Hindi po ako nagyoyosi. Hindi po ako nagda-drugs."


Mukhang palaban ang bagong singer-sexy star na si Kara Mitzki.

Palaban nga ba siya sa totoong buhay?

"Siguro nasa tama lang ako. Sa akin kasi, very important yung nagsi-set ka ng example sa mga kabataan.

“During my spare time, very active rin ako sa mga charity works, outreach programs.

“So, naggi-give back tayo kay Lord ng mga blessings."

Sa panayam ni Kara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa VIVA office noong March 21, napag-alaman naming 25 years old na siya at graduate ng Business Management course mula sa University of South Wales sa Australia.

WHOLESOME DESPITE SEXY IMAGE. Sa kanyang pagpasok sa showbiz, naniniwala si Kara na mas matimbang pa rin ang talento kesa sa ganda.

Aniya, "Sa akin kasi ano, more on focused ako sa talents.

“Siguro yung beauty at kaseksihan, bonus na lang.

“Siyempre, yung glam team naman talaga ang nagti-take care riyan."

Pero handa siyang magpa-sexy?

"Sa akin, ang paghuhubad, hindi naman po talent.

“Kahit naman po tayo, naghuhubad naman po tayo kapag naliligo tayo so di ba po?

"At saka tingin ko, mas sexy naman po ako kay Ellen," ang natawang sabi niya.

Ang kanyang tinutukoy ay si Ellen Adarna.

Willing din daw siyang mag-pose sa isang sexy pictorial para sa isang men's magazine.

"Yes, basta creatively done, okey po ako."

BETTER THAN ELLEN? Nabanggit niya na mas sexy siya kay Ellen. Ibig sabihin ba nito kayang-kaya niyang lagpasan kung anuman ang meron si Ellen ngayon?

Pahayag niya, "Sana, sana naman.

“Kung public figure tayo, dapat ang image natin, siyempre dapat nakaka-inspire rin tayo ng mga kabataan.

“Unang-una, hindi po ako lasengga.

“Hindi po ako nagbi-bisyo.

“Hindi po ako nagyoyosi.

"Hindi po ako nagda-drugs."

Pero klinaro niyang hindi niya pinapatamaan si Ellen na tanungin siya ng, "Hindi ba magandang ehemplo si Ellen ng mga kabataan?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mabilis nitong sabi, "Ay, hindi ko naman po sinasabi.

“Ang sa akin po, I'm only talking for myself."

ENCOUNTER WITH ELLEN. Nagkasama na raw sila ni Ellen sa isang recent show sa Davao. Magkatabi pa sila sa eroplano.

Chika ba silang?

"Hindi naman," ang natawa niyang sabi.

Mukhang hindi maganda ang encounter nila?

"Medyo, medyo," pag-amin niya.

Paano niya nasabing mas sexy siya kay Ellen?

Aniya, "Tingin ko ako, may boobs naman ako.

“At saka wala po akong retoke lalo sa face."

Biniro tuloy namin si Kara kung wala ba silang pinag-agawan o pinag-awayang lalaki ni Ellen.

"Ay wala, wala naman po."

THANKFUL TO ANNABELLE. Si Kara ay co-managed ngayon ng VIVA at ni Annabelle Rama.

Sa pagtanggap ni Annabelle kay Kara, tila biglang magiging aktibo itong muli sa pagma-manage ng mga talents.

Sabi ni Kara tungkol dito, “Nakaka-pressure nga po talaga.

“Siyempre, nagte-thank you rin ako kay Tita Annabelle na finally, tinanggap niya na 'ko.

“Dati nag-apply ako sa kanya noong 18 years old ako, pero hindi niya ako tinanggap.”

Nakaharap si Annabelle habang kinakausap ng entertainment press si Kara.

Nasabi ng manager niya na ang mga talents daw, kapag sumikat na, nag-iiba na.

Nandiyang mawawala sila sa poder ng mga managers nila.

Magiging ganun kaya si Kara in the future?

Diin niya, “Of course, hindi naman po ako ganun.

“Loyal naman po ako.

“Nakikita ko naman po kung sino ang tumutulong sa akin.”

Bakit si Annabelle pa rin ang pinili niyang maging manager kahit minsan na siyang tinanggihan nito?

"Tingin ko po kasi, si Tita Annabelle ang perfect sa akin.

“Kaya niya akong ipaglaban, ipagtanggol," pagmamalaki niya.

FIRST CONCERT. Sa ngayon, pinaghahandaan na ni Kara ang kanyang kauna-unahang album at ilang acting projects.

Malapit na rin ang kanyang first concert na gaganapin sa Music Museum sa April 8, ang 56K With Kara and Khel, kasama si Michael Pangilinan. Special guest nila si Vice Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Kara ang pamimillin, ang gusto niya raw makapareha ay sina Derek Ramsay at James Reid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN