Sarah Geronimo excited to work with Daniel Padilla but says, "Hindi kami puwedeng love team."

IMAGE Nerisa Almo

Sarah Geronimo on the possibility of doing a movie with Daniel Padilla: "Sabi ko nga, paano kaya 'yon kasi hindi naman kami puwedeng love team dito, e. Hindi talaga puwede, pero tingnan natin. Tingnan natin kung ano ang puwedeng gawin."


Nasasabik daw si Sarah Geronimo tuwing sasabihan siya ng ASAP staff na may makaka-duet siya sa isang production number.

“Hindi naman po siya actually plinano.

"So kapag binibigay lang na, 'O, may prod kayo ni ganito,' nae-excite ako,” pag-amin ni Sarah nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng The Voice Teens noong Biyernes, March 24.

Nitong mga nakaraang episodes ng weekly entertainment show ng ABS-CBN, pinag-usapan online ang mga naging production numbers niya kasama ang mga binatang Kapamilya leading men tulad nina Daniel Padilla, James Reid, at Enrique Gil.

DANIEL'S REQUEST. Sa tatlong ito, si Daniel ang nagpahayag ng pagnanais na makatrabaho si Sarah sa isang pelikula.

Sa isang interview, sinabi niya na siya mismo ang humiling sa Star Magic head na si Johnny Manahan tungkol dito.

Tila pabor naman si Sarah sa ideyang ito.

Sabi ng nagbabalik na coach ng The Voice, “Actually, gustung-gusto ko si Daniel.

“Kasi, first time kaming magkita ni Daniel, sa Sarah G Live! po 'yon, payat pa siya noon, payat na payat pa.

“Na-endear na talaga ako sa kanya kasi nakikita ko sa kanya ang kapatid ko, yung youngest brother ko.

“At saka cute naman talaga si Daniel!”

Kuwento pa ni Sarah, “Matagal ko na talaga sinasabi kay Boss Vic [del Rosario, Viva Entertainment head], na sana magkatrabaho kami pero pa-joke lang.

“Parang pabata nang pabata ang leading man ko, 'O, Daniel Padilla naman, Boss.'

“Hindi ko akalain na darating din pala yung point na magkakaroon ng interes, na parang puwede yata.

“Feeling ko ang tanda ko na, e.

"Pero, nae-excite ako kung anuman 'yon.”

Ganunpaman, napapaisip daw ang 28-year-old Popstar Princess kung ano ang magiging tema ng posibleng pelikula nila ng 21-year-old actor-singer.

“Sabi ko nga, paano kaya 'yon kasi hindi naman kami puwedeng love team dito, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi talaga puwede, pero tingnan natin.

"Tingnan natin kung ano ang puwedeng gawin,” natatawang sabi niya sa huli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN