Radio-TV anchor Kaye Dacer calls out Aljur Abrenica for P1.3M outstanding debt

IMAGE Mark Atienza / File

Kaye Dacer airs her grievance regarding Aljur Abrenica's outstanding debt of P1.3 million: "Sumama ang loob ko, kasi hindi ko akalain na binenta ko na nga nang palugi yung bahay ko, tapos may mga bagay pa akong hindi maririnig na magaganda. And to top it all, the worse thing pa, hindi pa 'ko nabayaran nang buo."


Nagpahayag ng kanyang saloobin si Kaye Dacer tungkol sa diumano'y utang sa kanya ng Kapuso actor na si Aljur Abrenica.

Ito ay kaugnay ng bahay na dating pag-aari ni Kaye na binili ni Aljur, pero hanggang ngayon ay hindi pa raw kumpleto ang kabayaran.

Si Kaye ang tinaguriang “Action Lady” at dating anchorwoman ng Aksyon Ngayon ng DZMM. Siya ang kasalukuyang presidente ng 8TriMedia Broadcasting Network.

Mula raw sa P32 million sanang halaga na gusto niyang presyo sa bahay, pumayag na siya sa P19 million, at siya pa raw ang nagbayad ng transfer taxes.

Pero hanggang ngayon daw ay may balanse si Aljur na 1.3 million na hindi pa rin nababayaran.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng 8 TriMedia sa Seneca Building sa E. Rodriguez Ave., Quezon City, noong March 22, sinabi ni Kaye na gusto niyang ma-realize ni Aljur na may obligasyon pa rin itong bayaran ang kanyang utang.

Pahayag niya, “Alam mo, honestly, medyo sumama ang loob ko doon.

“Puwede kong sabihin... well, I will be very straightforward.

“Nagbenta ako ng bahay na pinaghirapan ko, mula sa pawis ko.

“Kilala niyo naman ako, never akong naging 'envelopmental' na media or 'ACDC' na media.

“Siguro yun ang kredibilidad na puwede kong maiangat, kaya siguro rin pinayagan ng Diyos na maitayo ko ang 8TriMedia na ito, because of our sincerity in public service.

“Sumama ang loob ko, kasi hindi ko akalain na ibinenta ko na nga nang palugi yung bahay ko, tapos may mga bagay pa akong hindi maririnig na magaganda.

“And to top it all, the worse thing pa, hindi pa ko nabayaran nang buo.

“Nakakakasama lang ng loob.

“Sana lang, nagkaroon man lang ng magandang komunikasyon sa akin, kasi wala naman akong planong maghabla. Kasi, pera lang ‘yan.

“Pero sana, yung respetong maibigay sa ‘yo ng tao, kung sakaling wala pa, is to communicate, at least.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LONG-STANDING DEBT. Kung sakaling mabasa o mabalitaan ni Aljur o ng pamilya niya ang interview ni Kaye, may posibilidad na mag-reach out na ito sa kanya.

Reaksiyon niya, “Wow, that would be after how many years, it’s been ages.

“Kasi, noong binenta ko ang bahay ko, I think it was 2011 or 2010.

“Kung 2011 ‘yan, it’s been five years.

“Siguro naman kung magri-reach out siya sa akin, dapat noon pa.

“Ngayon naman, I’m not also closing my door dahil recently, tinext ko rin ang mother niya, but I didn’t get a reply.

“But I texted her after five years.”

Sabi pa ni Kaye, isipin na lang daw ang ilang taon na hindi niya ito sininigil o tinext man lang.

“Gusto ko lang mangumusta, sana,” sambit niya.

Paano kung nagpalit na ng numero si Aljur at ang mga magulang nito?

Natawa si Kaye at sinabing, “Ang tagal ko na rin siguro sa ABS, di ba?

“Alam naman nila kung saan ako pupuntahan.

“Nag-resign lang naman ako recently.”

NOT ABUSING HER POWER TO DEMAND PAYMENT. Kung tutuusin daw, mayroon siyang “power,” pero hindi niya ito ginamit sa loob ng limang taon para masingil o makuha ang kakulangang bayad pa ng Kapuso actor.

Hinaing pa ni Kaye, “Sabi ko nga, napakahirap gamitan ng power kapag sarili mo na ang involved.

“Pero kayong lahat, kung kailangan kong gamitin ang power na yun para ipagtanggol kayo, gagamitin ko.

“Pero para sa sarili ko, napakahirap.

“Nakita niyo naman for more than 20 years kung paano ako nakipaglaban...

“To the point na meron akong death threats.

“Yung mga anak ko, dumanas ‘yan na may mga bodyguards dahil sa mga death threats.

“Yung panganay kong anak, lumalaki ‘yan na hindi ko kasama sa bahay.

“Na-ransack ang condo ko, ang townhouse na tinutuluyan ko.

“So, for the longest time, hindi ko kasama ang anak ko because I was afraid for her life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung lahat ng yun, kaya ko.

“Kaya kong makipag-away sa ibang tao, pero para makipag-away para sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko kaya.”

Ed's Note: Nagpaabot na ng mensahe ang PEP kay Aljur, sa pamamagitan ng text messaging, ngunit hindi pa niya kami sinasagot at press time.

GRACEFUL EXIT. Sa kabilang banda, naging maayos naman daw ang pag-alis ni Kaye sa ABS-CBN.

Dahil daw sa ilang conflict of interests kaya minabuti niyang mag-resign na lang.

Saad niya, “In good faith talaga na umalis ako.

“Sinabi ko sa kanila ang mga conflict of interests.

“Binanggit ko sa kanila ang lahat, 'Ito ang cards ko, ang conflict of interests.'

“Sinabi ko na hindi ko na kaya na ni hindi ako magkakaroon ng partisipasyon sa 8TriMedia.

“Kung puwede akong mag-resign dahil nga I’m connected and I know there will be a conflict of interest.

“Pumayag naman sila.

“Pero noong una, hiningi muna nila ang ilang linggo para banggitin sa boss namin.

“And finally, noong December 2 lang nila ako pinayagang umalis, and grateful naman ako na pinayagan nila kong umalis.”

BEHIND THE SCENES FOR NOW. Kahit noong December pa siya hindi naririnig at napapanood sa Aksyon Ngayon ng DZMM, at kahit siya na ang may-ari ng 8TriMedia, hindi pa rin siya nauupo sa anumang programa ng sariling istasyon.

Pahayag ni Kaye, “Siguro maganda na nasa background na lang muna ko.

“Pa-guest-guest kung merong gustong mag-guest sa akin sa mga shows dito.

“Other than that, hindi muna.

“Gusto ko rin kasing respetuhin yung ABS-CBN dahil alam ko, although I haven’t spoken with them after my resignation, kung applicable ba sa akin yung one-year bond.

“Siguro, mas maganda na magkausap muna kami ulit ng ABS bago talaga tuluyan akong kumuha ng timeslot—kung may bakante pa rito.

“Pero alam ko wala pa, so background muna ako!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN