Netizens react to Ellen Adarna's IG post kissing another woman

IMAGE Instagram (@maria.elena.adarna)

Some netizens react to Ellen Adarna's Instagram post showing her in a lip-lock with a female friend. 


Nagulat at naintriga ang ilang netizens nang mag-post si Ellen Adarna sa Instagram ng larawan kung saan hinahalikan siya sa labi ng isang kapwa-babae.

Tanong tuloy ng ibang netizens: Miyembro ba si Ellen ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) community?

May ilang netizens din ang nagsabing hindi magandang halimbawa ang ipinakita ng sexy star.





Sinagot ni Ellen ang isang netizen na nagtatanong sa kanyang sexual preference.

Sabi niya, “Kulang naman yung acronym mo! LGBTQIA naman. Ako yung 'A'. I am an ally.”


Love you forever @doreenting till death to us part

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Ayon sa website na www.socialworkhelper.com, ang LGBTQIA ay acronym para sa "Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender/Transsexual, Queer, Intersex, Asexual/Ally."

Sa paliwanag, ang “Ally” ay tumutukoy sa taong hindi miyembro ng LGBTQIA, “but supports the rights and safely of those who do.”

Samantala, sa pagsasaliksik ng PEP, ang kahalikang babae ni Ellen sa Instagram post ay si Doreen Ting, na matalik niyang kaibigan.

Sa previous posts ni Ellen, kasama si Doreen sa grupo ng apat na magkakaibigan.

Marami ring previous posts ang dalawa sa kani-kanilang social media accounts na magkasama.

Sa isang Instagram post ni Doreen, ipinahayag niya kung gaano siya ka-proud nang maging cover girl si Ellen ng FHM Magazine noong 2016.

Ang tawagan nila ay “besh” o gay lingo para sa friend o best friend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN