Sunshine Dizon hits back at netizen for calling Ika-6 Na Utos 'chaka'

IMAGE Instagram (@m_sunshinedizon)

Sunshine Cruz to netizen: "If you have anything nice to say, pls unfollow me na lang po." 


Nakipagsagutan si Sunshine Dizon sa isang netizen na bumatikos sa episode ng pinagbibidahan niyang afternoon drama series sa GMA Network, ang Ika-6 Na Utos.

Tweet ni @carmex4ever tungkol sa March 27 episode ng Ika-6 Na Utos, “chumachaka” ang istorya ng teleserye ni Sunshine.

Sumagot ang aktres at sinabing mag-ingat ang netizen sa tweets nito. Huwag din daw itong maging bitter.

Depensa ng netizen, simula pa lang ay fan na siya ng programa ni Sunshine.

Tinawag din niyang “bitter” ang aktres dahil lang sa isang comment na hindi nito nagustuhan.

Sagot ni Sunshine sa netizen, huwag nitong panoorin ang programa kung ayaw nito at upang hindi maging bitter.

Ayon pa sa bida ng Ika-6 Na Utos, kung totoong fan ang netizen ay magiging maingat ito sa mga salitang gagamitin niya.


Sa panghuling mensahe, nag-tweet ang netizen kay Sunshine na maging humble ito.

Sagot ng Kapuso actress, hindi siya mayabang pero huwag na siyang i-tag para lang tawaging “chaka ang show” niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN