Miho Nishida on why she can't be FHM cover girl: "Wala po kasi akong bonggang-bonggang boobs."

IMAGE Noel Orsal

Miho Nishida on undergoing a breast augmentation: "Siyempre, tao lang tayo. Gusto nating ipagawa. Isang beses lang tayo mabubuhay sa mundo. Gawin natin ang gusto natin. Ako, gusto ko. Gusto ko lang ma-try. At saka, hindi rin naman po yung sobrang laki, yung tama lang po."


Hindi nakikita ni Miho Nishida ang sarili na mag-cover pictorial para sa men’s magazine na FHM.

Ang rason: “Wala po kasi akong bonggang-bonggang boobs.”

Kulang daw siya ng kumpiyansa dahil maliit ang boobs niya.

Sabi pa niya, “Lahat ng nakikita ko sa FHM, super sexy.

“So, yun ang iniisip ko, parang yun lang ang kulang sa akin.”

Inamin ni Miho na kung may pagkakataon ay gusto niyang magpa-breast augmentation para lumaki ang kanyang hinaharap.

“Siyempre, gusto kong ma-try,” sambit niya.

Sa ngayon, ang bra size daw niya ay 32B.

Hindi siya takot na masabihang peke lang ang boobs niya kung sakaling mag-undergo siya ng breast augmentation?

Sagot ng Pinoy Big Brother: 737 winner, “Kumbaga, wala po akong inaano sa ganun.

“Siyempre, tao lang tayo. Gusto nating ipagawa.

“Isang beses lang tayo mabubuhay sa mundo. Gawin natin ang gusto natin.

“Ako, gusto ko. Gusto ko lang ma-try.

“At saka, hindi rin naman po yung sobrang laki, yung tama lang po.”

Kung sakaling magpapaopera siya, hindi niya ito ikakaila?

“Hindi ko po itatago. Pero siguro, hindi ko po ipagsasabi.

“Pero kung tinanong naman, willing ko namang sabihin.”

Okay lang sa boyfriend niyang si Tommy Esguerra na sumailalim siya sa breast augmentation?

“Siguro hindi naman po siya maaano!” natawang sabi ni Miho.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miho sa launching niya bilang pinakabagong endorser ng Calayan Skin Center, na ginanap sa Mesa restaurant, sa may Tomas Morato, Quezon City, noong March 23.

Ang hair uthera lazer hair removal ang iniendorsong procedure ni Miho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN