Janine Gutierrez reacts to positive feedback of fans on her photo with Rayver Cruz

IMAGE Rommel Gonzales

Janine Gutierrez on hanging out with Rayver Cruz: "Wala naman, wala naman. Siyempre ano lang, it was fun lang, kasi kasama namin si Rodjun, tapos yung mga boss namin sa Legally Blind nandito din. So, parang lokohan lang, naglolokohan lang kami, nagtatawanan lang kami."


Positibo ang karamihan ng mga komento tungkol sa lumabas na larawan nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz sa Instagram.

Kuha ito sa grand opening na pag-aaring restaurant ng ina ni Janine na si Lotlot de Leon, ang The South Grill, sa Aguirre Avenue, BF Homes 3, Parañaque City, noong Sabado, March 25.

~~~ Rayver Cruz and Janine Gutierrez @ the grand opening of The South Grill. #BagayNaBagay

A post shared by Rommel L. Gonzales (@rommel_gonzales) on

Isa si Rayver sa bisita sa naturang okasyon, at naroon naman si Janine bilang suporta sa kanyang ina.

May mga nakapansing tila iba ang kilos ni Rayver kapag kaharap at kausap si Janine, kaya naghinala ang mga ito na baka interesado ang binata sa dalaga.

Nang tanungin si Rayver tungkol dito ay hiyang-hiya itong ngumiti at sinabing: “Napakaganda at napakabait po ni Janine!”

Nang makausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa The South Grill kagabi, March 28, kinuha namin ang reaksiyon niya sa sinasabi ng ibang netizens na bagay sila ng Kapamilya actor-dancer.

“Nakakatawa kasi hindi ko in-expect!” bulalas ng Kapuso actress.

“Kasi, parang wala lang naman, e, nag-hang-out lang, biglaan lang, nagkita lang tapos…

“Nakakatawa lang na... so funny-funny lang.”

In-expect ba niyang magiging favorable ang reaksiyon ng fans tungkol sa pagkikita at photos nila ni Rayver?

Ayon kay Janine, “E, wala naman, wala naman.

“Siyempre ano lang, it was fun lang, kasi kasama namin si Rodjun, tapos yung mga boss namin sa Legally Blind nandito din.

“So, parang lokohan lang, naglolokohan lang kami, nagtatawanan lang kami.”

Co-star ni Janine sa GMA afternoon drama series na Legally Blind ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz.

Ayaw raw muna ni Janine na magkaroon ng love life sa ngayon.

“Siyempre career muna talaga,” sambit ng dalaga.

Tumatanggap ba ng manliligaw si Janine?

Tugon niya, “Hindi… siguro it would have to be someone na talagang kasundo ko, someone na special talaga, tsaka makakaintindi ng schedule ko, ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon, ang priority talaga is work.

“Tsaka sa totoo lang, may trabaho ako araw-araw, which is ipinagpapasalamat ko, kasi iyon din talaga yung ipinagdasal ko dati.

“So, priority talaga yung work.”

Bukod sa Legally Blind ay host din si Janine ng Day Off sa GMA News TV. May mga product endorsement, mall shows, at photo shoots din siya.

“Kaya happy ako,” sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN