Jennylyn Mercado to reunite with her biological dad in South Korea

IMAGE Noel Orsal

Humiling ng bakasyon ngayong summer si Jennylyn Mercado dahil nakakakalahati na sila ng taping ng kanyang upcoming primetime series sa GMA Network, ang local version ng hit Koreanovela na My Love From The Star.


Humiling ng bakasyon ngayong summer si Jennylyn Mercado dahil nakakakalahati na sila ng taping ng kanyang upcoming primetime series sa GMA Network, ang local version ng hit Koreanovela na My Love From The Star.

Sa panayam ng GMA news program na 24 Oras, sinabi ng Kapuso actress-TV host na gusto niyang magbakasyon sa South Korea upang puntahan ang set ng original My Love From The Star.

Isa pang dahilan kung bakit gusto ni Jennylyn na pumunta sa South Korea ay para sunduin ang kanyang biological father na si Noli Pineda.

Ilang taong nagtrabaho bilang isang musician sa South Korea ang tunay na ama ni Jennylyn.

Nagkausap na raw sila at nagkasundong sa Pilipinas na ito titira para magkasama sa bahay ni Jennylyn.

Nang sumali si Jennylyn sa first season ng StarStruck ng GMA-7 noong 2003, kung saan siya ang itinanghal na Ultimate Female Survivor, ang nakilalang mga magulang niya ay ang mag-asawang sina Roger at Lydia Mercado.

Nabunyag kalaunan na nang maghiwalay ang mga tunay na magulang ni Jennylyn, iniwan siya ng kanyang biological mother sa stepfather niya noong apat na taong gulang pa lang siya.

Nagtrabaho sa ibang bansa ang tunay na ina ni Jennylyn bilang OFW.

Ngunit nakaranas ng pang-aabuso si Jennylyn sa kanyang stepfather, kaya napunta siya sa pangangalaga nina Roger at Lydia.

Mula noon ay sina Lydia at Roger na ang kinilalang magulang ni Jennylyn.

Sumakabilang-buhay na pareho ang adoptive parents ng Kapuso star.

LEADING MAN. Ang original version ng My Love From The Star ay pinagbidahan ng Korean superstars na sina Kim Soo Hyun at Jun Ji Hyun.

Sa Pinoy version, gagampanan ni Jennylyn ang female lead habang ang baguhang si Gil Cuerva naman ang bidang lalaki.

Ayon kay Jennylyn, “Nasa halfway na kami nung soap, so medyo nare-relax na kami.

“Kasi, at least meron na kaming kalahating pondo, and happy kaming lahat sa resulta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya rin si Jennylyn sa malaking improvement ng kanyang leading man na si Gil Cuerva, na noong simula raw ay napakamahiyain.

Ngayon daw ay kumportable na ito at nakita na ng aktres ang nakatutuwang personality ng kapareha.

Paborito rin daw ni Gil ang pet dog ni Jennylyn na si Connor.

Kuwento ng aktres, “Makulit siya sa mga staff, ganyan.

“Mahilig siya sa dogs, kasi pag dinadala ko si Connor sa set, siya lang yung gustong humawak talaga. Yung ayaw na niya ipahawak sa iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN