Bela Padilla addresses rumor linking her to Zanjoe Marudo

IMAGE Rose Garcia

Bela Padilla on possibility of falling for leading man Zanjoe Marudo: "Tulad nga ng sinabi ko last time, sobrang araw-araw kaming nagti-taping. Baka nga ganun lang, dahil araw-araw ko siyang nakikita. Gusto kong makita yung mga situations o bagay-bagay kapag hindi na kami magkatrabaho. Baka yun."


“Grabe, puwedeng ligawan muna ako?!”

Ito ang natawang sagot ni Bela Padilla sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sila na ba ng leading man niya sa ABS-CBN primetime series My Dear Heart na si Zanjoe Marudo.

Dagdag pa niya, “Ako pa nagpaligaw! Ako pa nagpa-interview!”

Off-cam, kumusta sila ni Zanjoe?

Ayon kay Bela, “Normal naman, ang layo rin kasi ng dressing room ko.

“Di ba, ang bibigat ng eksena, so lumalayo talaga ako.

“Ayokong parang mahati… kasi barkada ko lahat sa set.

“Sinasadya kong ilayo ang sarili ko at baka tawa lang ako nang tawa maghapon.”

Nararamdaman ba niyang lumalapit sa kanya si Zanjoe, na espesyal siya sa aktor?

Tugon niya, “Hindi ko kasi sila kilala dati kaya hindi ko alam kung paano siya sa ibang tao. Baka naman same lang din.”

Pero bakit may balitang may “something” na sa kanilang dalawa?

“Talaga po?” natawang reaksiyon ni Bela.

“Huh, ang hirap! Ano ba? Hindi, e…

“Siguro yun nga… siguro dahil ako lang ang babae sa show, hindi ko nakikita kung paano ang pakikitungo niya sa mga ka-age din namin.

“Kasi, lahat seniors sa amin. Sila Tita Coney Reyes.

“Hindi ko nakikita kung paano siya sa ibang tao.”

Lumalabas ba silang dalawa lang?

Ayon kay Bela, “Hindi po, hindi po talaga.

“Kunwari after taping man at nagkayayaan kami, magkakasama kaming lahat na kumain sa labas.

“Hindi pa kami lumalabas na kaming dalawa lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela sa launching at contract signing niya bilang celebrity endorser ng KB Skin Whitening, na ginanap sa Empire Bar, Venice Mall, McKinley, Taguig City.

IDEAL GUY. Nakikita ba niya kay Zanjoe ang ilang katangian ng lalaking posible niyang magustuhan?

“Hindi ko alam… okey naman, mabait si Z,” sabi ni Bela.

Kapag sinabing “hindi ko alam,” ibig sabihin, puwedeng meron?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon ng Kapamilya actress, “Wow! E, kasi, ayoko namang isara ang pinto ko.

“Tulad nga ng sinabi ko last time, sobrang araw-araw kaming nagti-taping.

“Baka nga ganun lang, dahil araw-araw ko siyang nakikita.

“Gusto kong makita yung mga situations o bagay-bagay kapag hindi na kami magkatrabaho. Baka yun.”

Titingnan niya kung mami-miss niya si Zanjoe kapag hindi na sila magkatrabaho?

Paglilinaw ni Bela, “Hindi naman sa mami-miss, pero baka nga dahil magkasama lang kami palagi.

“At saka, parang weird. Never pa kasi akong nag-date na katrabaho.

“So, parang hindi ko alam if that's a good idea or what.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN