Bela Padilla will "not let go" of Neil Arce despite their breakup

IMAGE Rose Garcia

Bela Padilla on ex-boyfriend Neil Arce: "I think, whoever is going to be next or whoever is going to try, he should realize that I'm not going to let Neil go. Parang he's a friend na talaga and he's gonna be a big part of my life."


Apat na taon ang naging relasyon ni Bela Padilla at ng ex-boyfriend niyang si Neil Arce.

Mula sa pagiging magkarelasyon ay naging mag-best friend ang turingan ng dalawa.

Ayon kay Bela, “Nakakatuwa kasi para na kaming mag-best friend. Araw-araw kaming magkausap.

“At saka, nakakatawa pa, siya pa ang nagtatanong sa akin, ‘Wala ka pa bang idine-date?”

Baka naman gustong makipagbalikan ni Neil sa kanya?

“Hindi, e, hindi ganun ang feeling.

“Mas parang gina-guide niya ako. Very protective.

“Ako rin naman, ganun din sa kanya.”

May feelings pa ba sila para sa isa't isa?

Saad ni Bela, “Hindi in that way.

“Actually, noong kaka-celebrate niya lang ng birthday niya, nag-usap kami nang matagal.

“Nag-agree kaming dalawa to be best friends.

“Kasi, sino ang mas may kilala sa akin, four years kaming mag-boyfriend.

“And right now, aside from my mom and my dad, ang pinaka may kilala sa ugali ko, gusto ko, alam niya agad, e.”

Si Neil ba ay mayroon nang ibang nililigawan o girlfriend?

“Kay Neil niyo po itanong!” natawang sagot ni Bela.

“Hindi ko po alam kung may dine-date na, ha, alam ko lumalabas siya.”

FROM LOVERS TO FRIENDS. Halos tatlong buwan pa lang ang nakalilipas mula nang mag-break sina Bela at Neil, pero tila hindi siya dumaan sa ‘break-up stage.’

“Dumaan din, dumaan din… mga two days!” biro ng aktres.

Patuloy niya, “Dumaan din. Siyempre, dun mo na mari-realize after, dun na nag-sink in na 'break na nga kami.'

“Nagla-lash out ka, nagra-rant ka. Pero sa amin na lang yun.”

Sa palagay ni Bela, dahil naging magkatrabaho sila ni Neil—bilang artista at producer—naging seryoso na ang mga pag-uusap nila.

“Parang nawala ang light side, siguro baka yun din.”

Paano nila nagawa na mula sa pagiging magkarelasyon ay naging malapit silang magkaibigan?

“Siguro suwerte ako na mabait na tao si Neil at very matured nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun din, gusto kong isipin na ako rin, ganun. 

“Yung mga panahon na pinagdaanan namin na nagla-lash out kaming dalawa, dun sa bad breakup part, hindi kami nagsabay.

“Kapag galit siya, ako ang kalmado.

“Marunong kasi kaming mag-adjust. Hindi lang sa isa't isa kung hindi sa lahat ng tao.”

Wala na ba talagang posibilidad na magkabalikan sila?

“Right now talaga, wala,” sagot ni Bela.

NO COMPARISON. Hindi naman daw maikukumpara ni Bela si Neil at sa nali-link sa kanya ngayong si Zanjoe Marudo.

Pahayag ng My Dear Heart actress, “Very different ang personality nila.

“Siguro because of their work din. Kung ano ang ginagawa nilang dalawa.

"At saka si Z kasi, ngayon ko lang nakilala, unfair naman kung i-compare ko."

Hindi kaya maging mahirap para sa kahit sinong lalaking magkakainteres sa kanya na malapit pa rin siya sa kanyang ex-boyfriend?

Saad ni Bela, “I think, whoever is going to be next or whoever is going to try, he should realize that I'm not going to let Neil go.

“Parang he's a friend na talaga and he's gonna be a big part of my life.

“Kung hindi talaga kami magkakatuluyan at may anak ako, kukunin ko siyang ninong, yung ganun.

“Ano talaga siya, part siya ng life ko.

“I would like to think also I'm that to him.”

Magkakilala rin naman daw sina Zanjoe at Neil.

Kuwento ni Bela, “Actually, meron kaming movie na gagawin dapat ni Neil.

“In-offer din naman namin kay Z, tinanong namin kung gusto niyang i-try gawin.

“Parang hindi fit kasi ang role sa kanya, sayang.

“Pero na-excite pa naman ako for him na makatrabaho ang team namin.

“Siyempre, proud ako sa team namin. Yung team na gumawa ng Camp Sawi at Luck at First Sight.

“I was excited sana for him to try and work with our team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga, parang hindi swak ang role. Sayang.”


Stories We Are Tracking

Bela Padilla reveals breakup with Neil Arce
Bela Padilla reveals breakup with Neil Arce
Bela Padilla says breakup with Neil Arce not just a
Bela Padilla says breakup with Neil Arce not just a "gimik"
Bela Padilla nips talk about her and Zanjoe Marudo
Bela Padilla nips talk about her and Zanjoe Marudo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN