Who is Barbie Forteza's "happy pill" among Meant To Be leading men?

Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg"> Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg"> Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg">

Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg"> Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg"> Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg"> Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg">

IMAGE Courtesy of GMA Network

Barbie Forteza on falling in love again: "Well, ako naman kasi, ready ako kung sa ready. Ang gusto kong makasigurado, kung ready na ang mamahalin ko. Kasi minsan, ako ang ready, pero yung iba ang hindi ready."


Kahit saan daw magpunta ngayon si Barbie Forteza ay palaging hinahanap sa kanya ang apat na leading men niya sa Meant To Be—sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Jak Roberto.

Ayon kay Barbie, “Nakakaloka, parang dapat palagi kong alam kung nasaan sila!

“‘Nasaan si ganyan, bakit hindi mo kasama?’

“‘A, puwedeng naggu-grocery ako o kunwari nagkukulot ng buhok?’

“Parang palagi dapat kaming magkakasama.

“Pero in all fairness, lahat sila hinahanap sa akin. Parang nasa iisang bahay kami, di ba?

“Pero actually, parang liguan na lang namin ang bahay namin.”

Sa halip na sagutin ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sino sa apat na leading men siya mas close, inilarawan na lang ni Barbie ang mga ito.

“Idi-describe ko na lang ang closeness, tapos kayo na lang humatol para wala akong straight answer.”

ADDY RAJ. Paglalarawan ni Barbie kay Addy, na pure Indian, “Si Addy kasi, naging close kami dahil sobrang interested siya sa family ko. Kasi nga, iba ang culture natin dito.

“Sobrang curious siya kung paano nagka-inlaban ang parents ko. Kasi dun [sa India], arranged marriage.

“Kung paano ang Christian marriage kasi iba rin sa kanila.

“Basta ganun, sobrang curious niya pagdating sa culture.

“Kaya rin nagkaroon ng moment na nagkausap-usap din sila ng parents ko.

“Kasi nga, ang dami niyang tanong.”

Hindi ba siya inaaya ni Addy sa India?

“Hindi!” natawang sagot ni Barbie.

“E, kasi, in all fairness, gusto niya rin dito.

“Kinuwento niya rin sa akin na kaya siya curious, kasi gusto niya na ang kasal niya, Christian marriage.

“Gusto niyang makapag-asawa ng Filipina.”

JAK ROBERTO. Sumunod niyang inilarawan si Jak.

Ayon kay Barbie, “Matagal na kaming magkatrabaho. Paputol-putol nga lang.

“Pero hindi naman kami naging strangers in between noong mga times na yun. 

“Siya yung madalas na nagtatanong kasi madalas ko siyang nakikitang nakatingin sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam niya kapag pagod ako. Pero hindi siya yung tipo ng tao na sasagarin ako.

“Ano siya, nakikiramdam siya sa akin kung ano ang iniisip ko.

“Nararamdaman ko at sinusubukan niya akong i-comfort in his own ways, na naku-comfort naman ako.

“Kasi ang babae, wala namang tamang way para i-comfort mo 'yan.

“Basta alam mo lang na yung tao nandiyan para sa 'yo, enough na yun.”

KEN CHAN. Taliwas naman sa seryosong karakter ni Ken sa Meant To Be ang paglalarawan ni Barbie sa aktor.

Aniya, “Si Ken Chan ang happy pill ko. Ang source of energy and happiness.

“Kasi, kahit sobrang segue niya… siya rin ang bagong host ng Day-Off, so mas segue siya kesa sa akin.

“Pero hindi siya nauubusan ng energy. 

“At saka lahat kami, napapasaya niya. Alam ng lahat 'yan, mula sa staff…

“Nakakatawa siya. Sobra siyang nagpapatawa.

“Na para sa akin, isang malaking bagay yun.

“Para sa isang tao na puyat, pagod, nag-e-effort siya para pasayahin ako.

“Sobrang laking bagay nun para sa akin. E, lalo na ako, bungisngis ako, di ba?"

IVAN DORSCHNER. Tungkol naman kay Ivan, sabi ni Barbie, “Gusto niyang malaman kung ano ang gusto ng family ko para sa akin.

“Tinatanong niya ang parents ko and yung sister ko kung ano ang gusto ko.

“Tapos, kami yung may pinakamalalim na pinag-uusapan. Both intellectual and personal, as in emotional pagdating sa information.

“Si Ivan kasi, malalim siyang tao. Napansin ko yun sa kanya kanina.

“Every time, napaka-descriptive niyang tao. Parang palagi siyang may metaphor.  

“Tuwing idi-describe niya ako, palagi siyang may metaphor.

“Hindi siya yung basta-basta mabait siya o maganda siya.

“Palagi siyang may metaphor na mas malim na never pang nagawa sa akin ng kahit sino.”

Patuloy ni Barbie, “At saka, siya yung go-to person ko.

“Kasi alam ko na kahit anong ikuwento ko sa kanya, kahit sobrang nonsense, kasi nga, matalino siyang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag nagkuwento ako sa kanya sa kahit napaka-nonsense na bagay, alam kong hindi niya ako idya-judge.”

Kung pagbabasehan ang paglalarawan niya, parang si Ivan ang may partida sa apat?

“Bakit? Diniscribe ko silang apat!” natawang reaksiyon ni Barbie.

IS BARBIE READY? Pero handa na ba siyang ma-in love uilit pagkatapos ng short-lived romance nila ni Kiko Estrada?

Sagot ni Barbie, “Well, ako naman kasi, ready ako kung sa ready.

“Ang gusto kong makasigurado, kung ready na ang mamahalin ko.

“Kasi minsan, ako ang ready, pero yung iba ang hindi ready.”

Kapag nagmahal siyang muli, ano ang gustong makita ni Barbie sa magiging boyfriend niya?

“Gusto ko, meron siyang isang salita.

“At saka gusto ko, mahal siya ng family ko.

“At gusto ko na yung maging relasyon namin, totoo, hindi one-sided. 

“At gusto ko sa isang relasyon, kung magku-commit akong muli, yung totoo, bigayan.

“Gusto ko mature and parehas kaming responsable. 

“Gusto ko honest ang maging relasyon namin. Hindi yung para lang hindi siya masaktan, pagtatakpan ko ang nararamdaman ko.

“Kung mag-aaway man kami, alam namin na dun lang sa moment na yun, yung kailangan lang naming mailabas ang sama ng loob namin.

“Pero hindi kami para maghiwalay, yung ganun.”

Ayon sa pa sa 19-year-old Kapuso star, “Gusto ko na maging worth it na yung next relationship ko.

“Kung sakali man, kung iiyak man ako ulit, gusto ko, worthy yung lalaking yun, yung iniyakan ko.”

Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg"> Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg"> Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg">


Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg"> Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg"> Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg"> Meant To Be leading men?" data-url="https://www.pep.ph/news/66596/barbie-forteza-describes-personalities-of-emmeant-to-beem-leading-men-off-cam" data-desc="Barbie Forteza describes personalities of Meant To Be hunks off-cam." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2017-03-30_16:57:05_meant-to-be.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN