PEP SCOOP. Model confirms Marlon Stockinger is the "biological dad" of her twins

IMAGE Instagram

Model Kit Barraquias (right) admitted to PEP that race car driver Marlon Stockinger (left) is the "biological dad" of her twins. She said, "I don't wanna say he's the dad… just the biological dad. And that's it. We haven't had any communication. He hasn't seen the girls ever."


Lumantad na ang ina ng mga anak diumano ng race car driver na si Marlon Stockinger.

Ilang linggo nang usap-usapan sa showbiz circle, at naisulat na rin bilang blind items sa ilang showbiz blogs at tabloid columns, na mayroon daw kambal na anak si Marlon.

Lalo itong naging matunog nang direktang tanungin ng isang reporter si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, current girlfriend ni Marlon, sa isang product launch noong March 7, kung ano ang reaksiyon niya sa balitang may mga anak umano ang boyfriend niyang si Marlon mula sa dati nitong karelasyon.

Bagamat halatang nagulat sa tanong, kalmado pa rin itong sinagot ni Pia.

Tugon niya: “Are you sure it’s the same Marlon? There’s a lot of Marlon… I don’t know anything about that.”

Read: Pia Wurtzbach reacts to rumor that BF Marlon Stockinger has fathered twins from a previous relationship

Bago pa man pumutok ang isyung ito, may ilang impormasyon nang nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagkakakilanlan ng ina ng sinasabing mga anak ni Marlon.

Mula sa araw na natanggap namin ang impormasyon hanggang sa lumabas sa media ang tungkol dito, hindi tumigil ang PEP sa pakikipag-ugnayan sa mga taong posibleng nakakakilala sa babaeng nakarelasyon umano noon ni Marlon at ina ng mga anak nito.

Nang sa wakas ay makuha namin ang pribadong numero at social media accounts ng tinutukoy na babae, hindi na kami tumigil sa pagkontak sa kanya upang kunin ang panig niya sa isyu.

Hanggang nito lamang Lunes, Marso 27, sa kauna-unahang pagkakataon ay tumugon siya sa aming mensahe sa Facebook.

Ngunit simpleng "Hi" lamang ang isinagot niya sa aming mga katanungan.

Nitong Miyerkules, March 29, muli naming sinubukan na kunin ang kanyang panig.

Sa pagkakataong ito, nagpaunlak na siyang makipag-usap at humarap sa amin.

Sinabi niyang magkita na lamang kami sa isang lugar sa Makati City, kinabukasan, Huwebes, March 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEET KIT BARRAQUIAS. Ngayong Huwebes ng hapon, March 30, nakaharap na sa wakas ng manunulat na ito ang babaeng sinasabing ina ng mga anak ni Marlon.

Naganap ang aming pagtatagpo sa isang coffee shop sa loob ng isang posh hotel sa Makati City.

Siya si Kit Barraquias, isang modelo at fitness enthusiast.

Pamilyar marahil ang pangalan ni Kit sa ilan dahil naging cover model siya ng ilang men’s magazines noon, tulad ng Playboy Philippines at UNO.


Nakasama rin siya ng FHM Sexiest Women list noong 2012.


Sa pakikipagharap namin kay Kit, ipinaalala naming maaaring off-the-record ang aming usapan kung ito ang nais niya.

Ngunit pumayag siyang i-record ang aming interview at ilathala ang nilalaman nito sa PEP.

“You just wanna know the truth, so I just wanna tell you the truth.

"I’m gonna be straightforward and, yes, he is the dad," pagtukoy niya kay Marlon.

Ayon pa kay Kit, "We had twins. He’s the biological dad.

"I don’t wanna say he’s the dad… just the biological dad.

“And that’s it. We haven’t had any communication.

"He hasn’t seen the girls ever."

Mariin namang pinabulaanan ni Kit ang usap-usapang binayaran diumano siya ng pamilya ni Marlon upang manahimik.

Giit niya, "And the mom hasn’t paid me money to keep quiet or whatever it is that’s coming out.

“I have no bad blood with them. 

“It’s just like two strangers meeting outside. That’s it.”

ONE-YEAR RELATIONSHIP. Ayon kay Kit, tumagal ang relasyon nila ni Marlon ng halos isang taon.

Noong panahong iyon, si Kit ay 27 years old at si Marlon naman ay 18.

Ayon sa Wikipedia, magdiriwang ng kanyang 26th birthday si Marlon sa April 4.

Sabi ni Kit, “I’m older by 9 or 10, I think.

“And that’s the reason... to, like, I don’t wanna be the one to ruin his racing career.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong magkarelasyon pa sila, isinama pa raw siya ni Marlon sa Zurich, Switzerland, upang ipakilala sa kanyang lola.

Naghiwalay raw sila noong apat na buwan na ang ipinagbubuntis ni Kit.

“I was working then, I can handle myself.

"It’s not like… I don’t take anything against him," sabi ng modelo.

FINANCIAL SUPPORT. Nanganak si Kit, via caesarean section, sa isang pribadong ospital noong September 2009.

Hindi ba nagbibigay ng financial support si Marlon para sa mga bata?

Ayon kay Kit, “Support? I think the mom came to the house maybe a couple of times, and I don’t wanna say the amount that she gave 'coz it’s kinda embarrassing, and milk.

“And then, there’s no really monthly.

"My cousin told me that someone told her that they’re giving support, like 10 thousand [pesos] a month.”

Pero wala raw itong katotohanan.

Kung sakaling nagbigay man daw ng ganoong halaga, kakasya raw ba ito sa pangangailangan ng kambal.

Dagdag niya, “Of course, my cousin knows that it’s not the truth. It’s a lie.”

May pagkakataon bang siya mismo ang humingi ng suporta kay Marlon o sa pamilya nito?

Sagot niya, “Why would I ask? I’m working.

"I worked abroad for five years. I came back here and still working.

“I’m into financing.”

Ayon pa kay Kit, kahit ilang beses lang nagbigay ng suporta ang pamilya ni Marlon sa kanya ay nakaya niyang palakihin ang kambal na anak.

“As a mom, that’s the best thing that ever happened.”

Hindi raw niya pinagsisihan ang kanyang pagbubuntis noon.

“No. Having them… they’re super smart.

“They’re seven [years old] now.”

Mula ba nang nanganak siya ay nagtangka si Marlon na dalawin at makita ang kanilang mga anak?

“He tried before, but he didn’t show up. He made some excuse,” sabi ni Kit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Kit, dati siyang malapit sa ina ni Marlon.

Katunayan, apat na taon na ang nakalilipas, nagkita raw sila sa Boracay at nag-check in sa parehong hotel.

Matagal na raw silang hindi nagkakausap ni Marlon.

May insidente rin daw na nang minsang nasa gimikan si Kit ay nagkataong nandoon din si Marlon.

Gusto raw sana siyang makausap ni Marlon noon, ngunit hinarang siya ng kanyang mga kaibigan.

“I’M OVER AND DONE.” Ayon kay Kit, ang panayam niyang ito sa PEP ang una at huling pagkakataong magsasalita siya.

Kailangan daw kasi niyang protektahan ang kanyang mga anak na nagkakaisip na rin ngayon.

Gusto lang daw niyang ituwid ang mga maling impormasyong nailathala sa ilang tabloids at online sites tungkol sa kanya.

Hindi na rin daw niya nagugustuhan na araw-araw ay may magpapadala ng mga tanong sa kanyang social media accounts tungkol sa kanilang kambal ni Marlon.

Saad ni Kit, “Hopefully, after this, [it will] die down. I’m over and done.

"Whatever they say, bahala na. Siyempre, they have their own followings.

“All my friends said, ‘They're gonna troll you. They're gonna call you slut.’ You know what I mean?

“And I told them, 'I’m not showbiz. What can they, like, do to me? I’m not an artista.'

"I just want this to be done and to stop… like, speculations… making me look like [I'm asking for money].”

Inamin ni Kit na pinagbawalan siya ng kanyang ina na magsalita, ngunit palagay daw niya, ito na ang tamang panahon upang marinig ng publiko ang kanyang panig.

Pahayag pa ni Kit, kung itanggi man ni Marlon na ito ang ama ng kambal niyang anak ay willing siyang ipa-DNA test ang mga ito.

Samantala, sinubukan ng PEP na kunin ang panig ni Marlon sa pamamagitan ng “contact” sa kanyang Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpadala kami ng mensahe sa numero at email address na nakasulat doon.

Kaagad naming ilalathala ang panig ni Marlon kapag tumugon siya sa aming mensahe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN