Kiefer Ravena faces extortion suspect Kristoffer Monico Ng

by Jojo Gabinete
Mar 31, 2017
Pormal nang naghain ang basketball star na si Kiefer Ravena ng reklamong extortion, robbery, at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 laban sa suspect na si Kristoffer Monico Ng sa Quezon City Prosecutor's Office ngayong araw, March 31.

Nagharap sa Prosecutor’s Office ng Quezon City ngayong umaga, March 31, ang basketball player na si Kiefer Ravena at ang alleged extortionist niyang si Kristoffer Monico Ng.

Sa tulong ng Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACCG), pormal na naghain ng reklamo si Ravena laban kay Ng, isang banker.

Inakusahan niya ito ng extortion, robbery, at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Isinailalim din si Ng sa inquest proceeding ngayong umaga.

May takip sa mukha si Ng nang dumating ito sa QC Prosecutor’s Office, ngunit hindi iyon nakatulong dahil mabilis na kumalat ang mga larawan niya nang hulihin siya ng PNP-ACCG sa entrapment sa Eastwood City noong Miyerkules, March 29.

Inakusahan ni Ravena si Ng ng panghihingi sa kanya ng P50,000, kapalit ang mga impormasyon tungkol sa pagkalat sa Internet ng alleged nude photos niya.

Parehong graduates ng Ateneo de Manila University sina Ravena at Ng.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Kiefer Ravena
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pormal nang naghain ang basketball star na si Kiefer Ravena ng reklamong extortion, robbery, at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 laban sa suspect na si Kristoffer Monico Ng sa Quezon City Prosecutor's Office ngayong araw, March 31.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results